nahablutan ako ng bag...huhuhuhu....

Apr 04, 2008 07:34

    two nights ago nahablot yung bag ko, bad trip talaga! galing ako training, tpos first day nung bagong shift ko s duty (2-10) e past 11 na kami nakauwi nung mga kasabay ko. basta nangyari don sa jeep na sinasakyan namin may pumara na lalaki tapos habang bumababa sya sabay hablot sa bag ko at takbo. nagulat talaga ko nakapareact na lang ako nung tumatakbo na sya at malayo na. yung tinakbuhan pa naman nya e sobrang dilim kya di na nahabol. hay... naku marami pang nagyari after that pero ayoko ng ikwento buong detalye. basta mga laman ng bag ko cellphone, PRC license ko at ska ng kapatid ko, top, pants and shoes (kay sis lahat yon, sorry tlaga sis), stethoscope. buti na lang wala akong dalang malaking pera non, mga 200 lang siguro, kya kung pera man habol niya, wala ka lang mapapala. nakakalungkot lang. wala na naman ako cellphone, pero at least ok ako, bi ba? kung sino ka man makakarma ka dyan sa ginawa mo. anyway, i'm over it, gusto ko lang ishare.
Previous post Next post
Up