expletive

Feb 09, 2013 01:18

ito ang problema kapag ang pinasukan mo e tatlo ang boss.

kahit na gusto mo yung dalawa, at natutuwa ka naman sa ginagawa mo, yung isang putang inang kupal yung sisira ng lahat ng magandang napupulot mo sa oras na ginugugol mo dun.

kung umasta akala mo ang laki ng utang na loob ko sa kanya. tang ina ka. ni walang minimum wage ang pinapasahod mo sakin, at araw-araw pa kong OT sa kagaguhan mo, at pati sabado ko kinakain na ng trabaho, ako pa ang may obligasyon sayo? ikaw pa galit?! titing gago!

bat pa nga ba ako pumasok sa pinapasukan ko ngayon? gusto ko kasing maging busy at sharp bago mag-board exam. ngayon pinagsisisihan ko ang desisyon ko kasi lalo pang nakakasama sakin psychologically ito - at ito ang pinakahuling kailangan ko ngayon.

buti na lang nandyan yung dalawa. madami-dami din akong natutunan. ngayon medyo may confidence na ko na kaya ko na talagang magtayo ng sarili kong design-build firm kapag naging lisensyado na ko.

pero ayaw ko na talaga. hindi na ako magrerenew pagkatapos ko ng anim na buwan. sobra na talaga yung isa. tatlong buwan pa lang ako, pero hindi ko na maimagine kung pano pa ako makakatiis sa kupal na ungas na boss sa susunod na tatlo.
Previous post Next post
Up