Sep 30, 2006 21:35
Wala paring kuryente, badtrip hindi ko ma-charge yung PsP... -_-. Nandito ako kina Yoj ngayon. Mainit kasi samin eh, buti pa dito may kuryente na, ang lamig lamig lamig o_O. Buti nalang hindi sya umalis. Hindi nya kasi alam na pupunta ako sa kanila.
Dalawang interview para sa trabaho ang pupuntahan ko next week. Grabe sana naman hindi ako ma-dehydrate sa pag-agos ng pawis ko sa sobrang tension. Sana hindi nangangain. Isa sa Ortigas at isa sa Makati.
Salamat kay Lez at Mack. Medyo napaaga yung regalo nila sakin. x_X Nakakahiya... Post ko nalang siguro yung pics pag nagonline na ulit ako.
Wala na akong oras mag blog. Wala narin akong ganang gumawa ng layout. 'Di ko pa nga naaayos yung flash animated ko na layout... Hehe bobo nanaman ako. Siguro nagiging tamad lang ako dahil sa kung ano-anong nangayari ngayon. O_o Mabuti nakakasama ko parin yung mga kaibigan ko. Kahit hindi ako magsabi ng problema sa kanila eh nakakalimutan ko naman pag kasama ko sila.
Sana matuloy nalang kami bukas pagkatapos nyang manood ng play sa kung saan man yun. Maigi na nga siguro yung hindi ako sasama, baka magkaroon nanaman ng problema pag may nakita nanaman akong hindi nakakatuwa... Respeto lang naman sana, sana kahit yung mga hindi ko nakikita na nangyayari sayo eh alam ko...
Uwi na nga lang ako...