Last day ko na dito sa Don Bosco. Sana makuha ko agad yung evaluation at certificate ko para naman makapaghanap na ako ng trabaho (para maging library na ng manga yung kwarto ko! fufufufu~).
Nahihiya ako may Ms. Barbs kasi hindi ko natapos yung program na pinagawa samin. Ang hirap mag-migrate from VB6 to VB.NET (well, kung para sa inyo madali lang, sorry ha bano ako eh hehe!). Mas nag-enjoy pa ako sa mga flash tutorials (action scripting) at kung ano anong designs sa photoshop at illustrator.
Dumaan si Johnel dito sa office (classmate ko nung high school). Masaya ako kasi may chance parin na makita ko sila at makausap. Yun nga lang nakaka-miss talaga yung mga nangyari noon. Kasi yung mga experience ko naman sa college eh puro sakit ng ulo at problema. fufufufuf~ =p
Nagtext si
Yoj kanina, sabi nya pupuntahan nya daw ako dito. Hmmm siguro miss nya na ako~ fufufufu~ (at baliktad pa~ sya pa susundo sakin -_-). Ngayon ko lang ulit sya makikita kasi halos 1 week syang nagkasakit.
Malapit na mga birthday namin! Sunod-sunod kami!
- Jay (oct. 6)
- AKo (nov. 1)
- Lez (nov. 15)
- Mack (dec. 3)
ang tagal naman mag 5pm... -_-
Currently Listening: One-Winged Angel (AC Version)