Its our Generation 90's!

Jan 04, 2009 14:06

Last night, I had an LSS na matindi at corny.
Its was Trouble by Shampoo.LOL
"uh-oh we're in trouble, nanananna....burst our bubble yeah yeah...uh-oh.LOL
Then I stumbled upon this sa page ni Marien.
• Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at Pog. Kadalasan ang design dito ay yung mga palabas sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue pa. lol. (I collect them. LOL and even personlize some of the pogs. LOL I buy a whole carton of it sa palengke to get the free poster on top of it.)

• May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo pa rin yun. ever did understood it pero i enjoyed that gum and even sticked it sa ulo ng kapatid ko, ofcourse he fought back and sticked some on my head too.)

• Uso pa yung tirador, yung gawa talaga sa sanga ng puno. (Then came along ang mga plastic na gun na hollow na babalahan mo ng sandamukal na goma. I never did played it with my other friends. Alam ko papanget ako at pikon ako masyado to play those games before. LOL)

• Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store. (Isama mo na dyan ang ulo ng mga artista na sina sheryl cruz, manylyn reynes, carmina villaruel, Ana Roces at sama mo na si Thalia at sampu ng iba pang artista, di rin mawawala ang nakapack)

• Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka. (Wala, mga kapatid ko meron, alam ko tlga masakit yon. Nakikipag habulan sila sa mga kalaro nila uuwi ng may pasa.LOL)

• Humihingi ka ng dalawang piso sa magulang mo para maglaro ng video arcade sa sari-sari store. Favorite mo yung Sonic, Mario at Street Fighter at Tetris. (Korek. Manghihingi ako sa mga tito at tita ko para maraming pera panlaro.LOL Fan ako ng maraming korni na games noon sama mo na jan ang astig na kung fu game at ninja na natalon sa mga puno at nambabato ng shuriken sa enemies nya.)

• Nagwa-watusi ka kapag New Year kahit pinapagalitan ka ng nanay mo. (Kung kelan merong panahon. Good thing I know you can die from them.)

• Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas kapag iniaapak mo. Mas sikat kung iba-iba yung kulay. (Bakit looser ako, I was aroung when this thing was a hit pero wla ako. Alam ko lang akin madalas ang pula sa kapatid kong ka-age ko ang blue kontrata yan.)

• Merong at least isang Chicago Bulls na shirt sa bahay nyo. Madalas number 23 pa yung nakalagay. (Yes, si kuya ay mahilig sa basket ball at thing nya yun. Artsy lang tlga ako.)

• Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na kasi pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali di tulad nung panahon natin. (Amen. Ilang iyak din ang ginawa ko para di maktulog sa hapon ah.)

• Sinasabihan ka ng matatanda na may lalabas na pari o bigas sa sugat mo kapag hindi nilagyan ng alcohol pero in the end, betadine lang ang magpapatahimik sa inyo. (Sama mo na ang tren!)

• Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings. (si Jolina ang nagpauso nito.) haha. (I remember my sister wearing a few!)

• Kung medyo may pera ang pamilya nyo, nagpabili ka ng Polly Pocket. (la, kasi si kapatid kong babe ay barbie and kinalakihan.)

• Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may bulak, alcohol at tinutusok ng karayom para mabilis manganak. (na wala namang scientific explanation kung totoo nga ba sya at alam natin na marami sya kulay iba iba ang amoy nya. Astig ka kung binubudburan mo ang pencil case mo ng ganito.)

• May free stickers ng Disney movies sa loob ng Maggi noodles. (Hihihi...those were the golden times na masaya ang maggi masyado at panalo, bee it disney characters, lion king, Alladin basta marami silang pakana na da best tlga!)

• Pinapatunog mo yung takip ng Gatorade.(Up to now.)

• Ang mga stationeries na uso: Papemelroti, Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta, pwedeng trade lang. (Lahat ng klase, kolektahan yan. Paramihan na parang di mo naman susulatan. Naalala ko ang kaklase ko sa bag nya puros yun ang laman. LOL Anak sya ng teacher.hahaha...)

• Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit.(Lahat yan kasi gamer kami masyado noon. Sama mo na ang atari, at game and watch kahit 80's pa yun. Basta astig sa bayan ang "fami-com" aka family computer. Ang sad di binaggit ang snake.

• Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, pepsi seven up at agawan base. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom. (AMEN. Pati uwian at break.)

• Sinasabi mo sa kaklase mo na "Liars go to hell" kapag tingin mo nagsisinungaling sya. "Cross my heart, hope to die" kapag nangangako ka. "Period no erase" kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na "Akin yung factory ng pambura". (Ahehehe...up to now pag trip lang. Meron pa yang hand gestures para dama ng lahat ang sinasabi mo. Sama mo ang pagsasabi ng "shield" pag ayaw mong mapunta ang sinasabi nyang masama sayo. At wag ka narin papahakbang sa tao kasi di ka na lalaki.)

• Sikat ka pag ang pencil case mo nabubuksan sa dalawang side tapos maraming attachments like magnifying lens, book stand, compartments na maliliit tapos push button pa. Minsan sa ibabaw ng pencil case meron pang maze, may maliit na silver na bola tapos itatagilid mo yung pencil case para gumulong yun, hanggang sa matapos yung maze. (Meron ako nyan. DI ako nagpahuli.hehehe pink yung aken. LOL But i still prefer the steel pencil case na merong design ng Yu Yu Hakusho. LOL)

• Di ka baduy kung ang notebook mo nung elementary ay may mukha ng artista.(Wala kang magawa nabili ka nun then iniwasan mo na kasi wala lang tlgang mabili that time. LOL Swerte ng mga bagong artisa ngayon.)

• Sa coolman mo inilalagay ang tubig na baon mo sa school. (Uu.)

• Nagpabili ka ng Baby-G sa magulang mo. (Di kami mayaman ng ganun lang at di ako mahilig pa sa watch nun.)

• Elementary ka nung nauso ang pager. Yun pa ang pinapangarap ng mga bata, hindi pa cell phone. (I like the color though, but I dont like the hassle of calling the phone to send your message.)

• Meron ka pa rin ng pinakamalaking cell phone na nakatago na ngayon sa mga kahon. (Yup, si Ama meron. LOL Green ang kanyang letters are "liners" ang payabangan sa cellphone. Mas maraming line sa cell mo na pwedeng type-an sikat!LOL)

• Wala pang PS/PS2, XBox, Wii, atbp. noon. Family Computer pa lang, yung cartridge yung bala. Usong laro ang Mario Bros., Battle City at Rambo. (Alam ko yan!)

• Meron ka ng isa sa mga ito: Family Computer, Nintendo, Sega, roller blades, brick game, Tamagochi, Swatch Watch w/ matching guard, Troll collection. (Uu, meron kami ng mga yan!)

• Alam mo ang mga linyang ito sa mga kanta: "Natatawa ako, hi hi hi hi", "Anong paki mo sa long hair ko", "Dahil sa bawal na gamot", "Mga kababayan ko, bilib ako sa kulay ko". (Conquered namin yan kaso I dont sing them.)

• Isa dito ay theme song mo: "I Swear" by All 4 One, "What's Up" by 4 Non Blondes (And I say, Hey ey ey ey ey ey. I said hey, What's goin on!), "Zombie" by Cranberries. (Naman!!!!!)

• Sumasayaw ka ng Macarena. (Mwahhahaha...Di ko parin sya maperfect up to now.)

• Alam mo ang kanta ng Spice Girls at may favorite ka sa kanila. Kung fan ka talaga, may poster ka pa at casette tape ka pa nila. (Hahaha...korek! pati movie potek pinatos ko!)

• Malamang ay naging fanatic ka ng isa sa mga sumikat na boy bands. (Hahhaa...sobra! Ako pa!LOL)

• Ang tinutugtog lagi sa radyo ay mga kanta ng mga banda gaya ng Eraserheads, Parokya ni Edgar nung nagpapalda pa lang sila, Alamid, Rivermaya, True Faith, The Youth, Afterimage at kung anu-ano pang pinoy bands. (Yessss!!!! Alam ko yan!)

• Tape pa ang uso, di CD or MP3 players. Pag gusto mo yung kanta kailangan tantyahin mo kung ilang seconds i-rewind yun para mabilis paulit-ulitin. (At mahilig din akong makinig sa radyo sabay rerecord ko sya over sa tape na may record ko ng iba.)

• Kinakanta nyo dati sa school yung "Heal the World", "Tell the World of His Love", "Jubilee Song", etc. (Yes, kinder ako ang heal the world, at GS ako till HS kasi choir ako sa skul.)

• Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain Planet o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa kayo ng mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan kayo. (Hahahahha....korek, anjan narin ang attack of the killer tomatoes*with matching tone* at Princess Zelda at Mario Brothers,)

• Di ka papagalitan ng magulang kahit magbabad ka sa TV, basta ang pinapanood mo ay Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela, kung saan nakilala mo sila Teacher Waki, Ugat Puno, Palikpik, at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa space ship o sa jeep na lumilipad. (Si Agatom na si Brenan na singer na ngayon at si Anatom na si tintin bersola.)

• Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at si Goku. (Ako pa!!!!!! Kurama at si Trunks, Android 17 and 18 at chichi)

• Niloloko mo yung theme song ng Voltes V kasi di mo maintindihan yung theme song: "Tato ni Ara Mina malaking cobra...", "Boltes Payb lima sila, pumunta sa kubeta...", "...Kontra Bulate!" (Sori, alam ko sila! hahaha... naiyak kaya ako sa ending song nila.)

• Napanood mo din yung ibang anime tulad ng Shaider, Sailormoon, Daimos at Maskman. Saulo mo pa nga yung kanta dun: "Oh maskuman kayo ang pag-asa.. Iligtas kami sa marahas na kadiliman... Kami inyong ipaglaban! Sugod, sugod laban maskuman, ipaglaban nyo ang katarungan.. Sige, sige laban maskuman.." (Oo. Alam ko yan, at talagang kinikilig pa ko pag opening at ending songs.lol For sure walng tao sa labas pag eto na ang mga palabas.  Si Sailormoon at ang team ng shohoku ang ilan sa nagpatindi s pagiging Otaku ko. LOL)

• Sinubaybayan mo ang Sarah ang Munting Prinsesa, Julio at Julia, at Cedi. Pinanood mo pa nga yung movie version ng Sarah ang Munting Prinsesa with Camille Prats. (Dahil nabanggit ang julio at julia fab ka pag may tsinelas ka nila! si Mama sarah, si loti'ng iyakin at si masungit na lavinia at Ms. Minchin.lol. Eh ang Cedie na movie ni Tom taus sama na natin ang madugo at napaka saklap na buhay ni Nelo at Ni Romeo.*tears*)

• Alam mo din yung "Ang Pulubi at ang Prinsesa" with Camille Prats and Angelica Panganiban. (Parang.)

• Gusto mong sumali sa ANG TV. Pero alam mong hindi na pwede. kaya kuntento ka na lang sa panonood nito tuwing 4:30 ng hapon. (LOL. Parang Thats entertainment lang yun eh for the kids tlga. Do wadididididum dididoo.lol...)

• Batibot ang usong palabas. Akala mo nga mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Sheena. (Di ah! Si pong pagong, si kiko matsing, si ate remy, si ate shena, si kuya bojie? si ning ning at ging ging, si sitsiritsit at si alibangbang na mga aliens, eh si manang bola ang ilan sa mga childhood heroes noon.)

• Alam mo yung tono ng pinausong kanta ng show na "ATBP.": Isa.. dalawa-tatlo.. apat-lima.. anim-pito-walo.. syam-sampu... labingisa-labingdalawa... labingtatlo... labingapat-labinglima...(Si kuya RR at si patricia? si islaw kalabaw at si kapitan basa? si mimi na pusa at si direk at si irma daldal"da-da-da-isda-isda... si Kathleen Go kyeng at si Lady Lee dito rin ba?"
• Napanood mo ang Batang X. (LOL sa sinihan mind you!)

• Sabay kayo nanonood ng yaya mo ng Marimar. (Kahit ako lang keri, pero pinatos ko sya sa movie, I was a thalia fan. I buy newspaper everyday and it never failed to bet some pics of thalia there at nangongolekta ako ng cards nya, di ko pinalampas ang rosalinda, maria mercedez at iba pa. Pati kanta nya kaya kong sabayan dati. May dila ako ng Latino nung bata nung 90's at saka ng hapon.LOL)

• Nanonood ka ng kahit alin dito: "Okay Ka Fairy Ko", "Oki Doki Doc", "Abangan ang Susunod na Kabanata", "Palibhasa Lalake", "Ober da Bakod", at "Home Along Da Riles" (Oo. I did. Abangan and Palibhasa lalake were my favorite kasi nandun si Cynthia patag at teysie tomas, naalala ko tuloy ang Teysi ng tahanan.)

• Galit ka kay Clara kasi sobra naman talaga sya mang-api kay Mara. (Hahahha...Tarages na Diary yan! It took them more than a year to finish the damn soap!)

• Pinanood mo din yung "Villa Quintana", "Esperanza", "Anakarenina" atbp. (Anakarenina siguro.lol Eh ang Valiente at Agila????)

• Mga love teams na nagpakilig sayo: Juday and Wowie. Jolina and Marvin. (Hit si Juday at Wowie at si Patrick Garcia at si kimpy de leon LOL)

• Alam mo yung commercial ng Tender Juicy hotdog na ganito: "Dear diary, Carlo sat beside me today. He's so cute! Sabi niya I'm pretty kaya lang I'm fat." (Was that Kc Concepcion????)

• Kinakanta mo yung "Thank God it's Sabado, pati na rin Linggo..." at "Isa pa, isa pa, isa pang Chicken Joy". (Basta jollibee da best!)

• Nasa channel 2 pa ang Eat Bulaga at ang Mel and Jay. (Yesh...)

• Nakikita mo sa balita na may mga kultong nagtatago na sa kweba, kasi magugunaw na ang mundo sa year 2000, at yung mga computer daw bigla na lang mag-shu-shut down at mawawala na daw ang technology. (LOL Y2k, sama mo narin ang mga Kulto na naglipana that time!)

• Chinese variety shows ang palabas tuwing umaga ng linggo. (May babaeng tumitira ng thread at mga mahihiwagang flowing sleeves na panagga at kailangan lumilipad sila!

• Matapang ka kung napanood mo lahat ng Shake, Rattle and Roll movies. (Sama mo na ang undine na marami ang natakot! Manilyn Reynes:"eto na ang mga itlog mo...di ba mga anak mo sila...")

• Narinig mong i-announce sa radyo yung death ni Princess Diana. Biglang nauso yung kanta ni Elton John na "Goodbye, England's Rose." (Yeah, I cried. I just thought why does good people has to die and hit din syempre si Mother Theresa)

• Nasa VHS yung mga movies na pinapanood ninyo sa bahay. (Going to Video City was a hit as well as other local movie rental houses!)

• Kung babae ka, naging crush mo si Leonardo di Caprio dahil sa Titanic. Kaya nga lang, bawal ka pa tumingin sa kissing scenes nina Jack at Rose. Haha. (Super naiyak pa ko dito. LOL lalo na dun sa mga lolo at lola na nagyakapan nalang nung pumasok na yung tubig at ilang beses ko to napanood sa sinehan. When I saw it again after a few years I was looking at the technical side of it na. I love ROmeo and Juliet na movie sobrang nabaliw ako sa movie na to kasi they modernizeda classic as in geek ko tlga i kept lines from the book! then sobrang kulang pa yun, i bought an Audio CD, a VCD and searched everywhere for that dammned Movie poster na di ko na nakita, nakakita ako sa divisoria ng Statonary tho, keri na yun.)

MGA KADAGDAGAN SA KABALIWAN:
Sentai Freak ka pag alam mo ang mga ito at napanood mo Jetman, Maskman, Fiveman, Bioman, Magmaman, Ultraman at sino ba makakalimot kay Amaing Shaider?????

Alam mo na masarap ang LALA Chocolate na mura at ang Voltron covered na chocnut na laging may promise na mananalo ka ng Gameboy ata yun which I never heard of kung may nanalo nga.

Alam mo ang Wonder Boy na may disenyo ng bata na nakasakay sa spaceship na nuknukan ng alat at dalawa lang sa loob nya ay sapat na para bigyan ka ng sakit sa bato. Pero keri lang, di mo alam ang tungkol sa sakit sa bato. Kumana ka narin ng Pom Poms na may itsura ng elepanteng blue, He-Man(may chippy nito), Cheez Curls, Pritos Ring, Ring Bee, Chicka deez na may free na toy  at ang masarap na Ice Gem.

Fashion:Alam mo ang faux-shades na headband kasi cool lang tlga yun. Alam mo rin ang hat na may braided hair na gawa sa yarn. LOL

Iba ang may bag na Jansport na may leather bottom at Eastpack. Status symbol yan, sama mo na ang swatch bags na may orasan!!!!! Bawal ma-late! LOL

Kilala mo si jennifer na manika/unan na may ulo nya at kailangan yarn ang hair nya!

The Movies were just insane back then, since the 80s may mga dance number na tlga dapat. parang bollywood lang. The movies were "Me and Ninja Liit", "Pido Dida", "Magic to win", "Petrang Kabayo", "Gagay(reyna ng brown out)", "Goose Buster" hahahhaa.... Andrew E movies, Daldalan in an action films,

Tropang Trumpo was just a hit! Chicken!!!!
International songs that are Hit were Ragamuffin Girl, Sweet soul review, Feel like dance, Macarena at marami pang iba.

Previous post Next post
Up