lakas ng loob magsalita eh, kala mo puede dito sa bahay

May 24, 2007 13:56



nakwento ko na ito eh.

kasi nagpagawa uli ako kay martin ng maliit lang na tato nung january ata - madrama lang na tanong in script. in 5 minutes ata natapos. pero the second na natapos ilagay yung dot ng question mark, nag pass out ako. nakatayo kasi ako nun. tapos nung medyo gising na ako, nagpass out na naman ako. 2 beses nakakahiya. nahulog sa floor.

mas nakakahiya pa, bago nung turn ko, inaasar ko kasama ko kasi sakit na sakit siya nung tinatatoan siya. pero sinong nahimatay. haha. yabang kasi.

at eto mas mas nakakahiya pa. kabadong kabado kasi ako nung ako na. tapos hiniritan ako na ngayon pa raw ako kinabahan eh ang laki ng nasa likod ko. tapos inangat pa yung shirt ko sa likod para ipakita sa ibang tao (oo nakakahiya may ibang tao grabe). todo support naman sila, "kaya mo yan noh, sus wala yan." pero ayun, nahimatay ako eh. 2 beses. talong talo.

pagkatapos nun, sabi ko medyo matagal tagal pa muna bago ko gustong makarinig ng buzz ng makina. pero nung nakita ko itong pic na to, parang gusto ko na ule.

Previous post Next post
Up