What the hell was she thinking?!

Jun 05, 2008 09:43


Nais ko lang ibahagi ang nakakawindang na nangyari sa akin kanina habang naguusap kami ng isang kaibigan. Itago nalang natin sya sa pangalang... trixilixi. :D

Naatasan ang klase namin sa isang meydyor na baguhin ang kaayusan ng bulletin board ng aming departamento. Nang idismiss ng maaga ang aming klase, kinausap ako ni trixilixi..

Trixilixi (T): tara, labas tayo. tingnan natin ung bulletin board.
Ako (A): o sige
*lumabas kaming dalawa*
*lakad... lakad... lakad*
T: shit, gusto ko nang mag-Emba. Si Jake Cuenca laging nandon, mag-isa. Lalandiin ko haha.
A: malandi ka. hmm, mas gusto ko talaga si Dingdong Dantes eh. Haha.

Edi yon. Naguusap kami tungkol sa dalawang magagandang lalaki.. ng bumalik ang isip ko sa aming totoong pakay... ang tingnan ang bulletin board. At si trixilixi ay mukhang nagpapantasya pa nang sabihin kong..

A: sana nagdala ka ng ruler. sukatin natin (seryoso ako dito)
T: (gulat na gulat - as in.) ANO???! Sinong susukatin natin??!!! O_o

What the hell was she thinking?! :)) Hulaan nyo nga. :D

- - - -

Mayroon pang isa.

neilarah_garih =)) laughtrip. Hahaha.

Previous post Next post
Up