Jan 21, 2013 14:41
Umiikot na pakiramdam.
Madilim na lugar subalit may makukulay at malilikot na ilaw.
May inuming gumuguhit sa lalamunan.
At napakalakas na tugtugan.
Nagsasalita ang mga tao subalit di alam kung talaga bang nagkakarinigan.
Umiikot na pakiramdam.
Tama pa ba ang inaapakan kong lupa?
Bumabaliktad na sikmura, isusuka ko na ba lahat?
Humahawak sa taong kasama, tama ba ang kinakapitan?
Teka lang san na nga ba ako?
Umiikot na pakiramdam
Panandaliang kaginhawaan
Pansamantalang lugar sa di kalayuan
Isang pakiramdam na pumapawi sa lahat
Gayunpaman paniguradong kinabukasa, babalik ang lahat
At ika’y muling mamumulat
Makikita ang iyong tinakbuhan
Na may kasamang sakit ng ulo at katawan
Umiikot ang lahat kasama ng katotohanan
Umiikot ang salita na para bang sila’y lagi ng andyan
Umiikot ang lahat nangangako akong di ko na susubukan
Umiikot ang lahat unti unting nawawala
Umiikot ang lahat, saan na nga ba ako nagsimula?
Umiikot. Paikot ikot, hala kaharap ko na pala ang lapag.
shit,
thoughts