(no subject)

Jun 17, 2006 21:38


Whew! Sobrang napagod ako yesterday. That was the loooooooongest test(s) I went to (and answered). Nandun nako by 7:30am at nakauwi lang by 5pm! Imagine, parang pumasok din ako sa office tapos mahirap pa ang mga tests!!:O Well, the first test ay sobrang haba at we took that for 1 1/2hours at 5 types pa. Ang hirap ng mga words na nandun tapos yung numerical computation ba naman halos puro decimals at division! At since test siya, walang calculator so we had to compute manually! Hindi ako ganun katiyaga at naggive up after a few numbers so nanghula na lang ako. At hindi pa yan, may flowcharts pa na may mga conditions whatsoever that you have to fill in the missing function/question or whatever you call it. Ah basta, sa test na yun napiga na ang utak ko. After nun, kala ko interview na lang with a HR personnel (kasi yun naman ang usual process) pero hindi, after lunch pinapunta ako sa another floor at may test pa pala! It's the second step daw. So I said Ok thinking na multiple choice test muli but no, it turned out to be a financial shit using excel!!! OH NOH! Halos maloka ako nung ineexplain na sakin ang mga dapat ko gawin. Naisip ko nga, patay nako dito nabaon ko na sa limot ang accounting tapos excel pa(computer stuff is not my cup of tea if you don't know). I'm super dead! It's about completing financial statements such as Income Statement, Balance Sheet and Cash Flow using the Assumptions given at meron pang Property and Equipment schedule and depreciation schedule for 5 years! Tapos dapat "working" pa ang mga statements/schedules, meaning they have to be connected to one another na kapag may pinalitan ka sa isa at connected yun sa other info sa other financial statement, automatic dapat na magpalitan din! OH.MY.GOD. Mahina pa naman ako sa excel--of all! Kaya ayun, sinimulan ko ng mga 1:45pm at natapos ko after mga 3hrs.! Sobrang sabog pako after. As in hinalukay ko ang memory bank ko about accounting and finance. grabe, grabe talaga....Sobrang pagod at drained ako after at walang nagawa ang supposedly comfort food ko. I actually ate ice cream kasi wala ng shake sa mcdo tapos nung finally pauwi nako, ang driver naman na nasakyan ko sa FX ay sobrang bumpy magdrive at nakakahilo pa! Ang galing noh, at dahil kakaubos ko pa lang ng ice cream, parang gusto ko ilabas yung ice cream na kinain ko dahil sa sobrang pagkahilo ko sa fx! Sana naman hindi na ganyan ang gawin nila sakin sa interview ko. Pero sana rin ay matanggap ako dito. (I'm keeping my fingers crossed at nagdadasal din)

Funny pa (at kind weird din), of all days kahapon din sila nag-earthquake drill so nasama pa kami dun. Of all days na pwede nila gawin yun, kahapon pa! haha weird things happen talaga.
Previous post Next post
Up