May 28, 2013 16:15
Nung una, sabi ko crush lang to. Tapos may biglang nasabi ka at muntik na kong umamin sa yo.
Pero nakapagpigil pa ko. Kasi sabi ko, kilig lang to--lilipas din, sabi nga nila.
Pa'no pag lumipas na yung kilig, ilang buwan na nagdaan(!!), tapos gusto mo pa rin yung tao? Pa'no kung napapadalas na masyado yung pag-iisip ko sa kanya tuwing umaga o tuwing gabi.
Yung tipong nakakailang ikot ako sa paglalakad sa kwarto kung babati ba ako ng good night, kasi masyadong "out of the blue" at baka kung ano naman isipin niya.
Pa'no kung Pebrero pa ko umiiwas isiping malala na yung pagka-gusto ko sa yo? At hanggang ngayon e hindi pa rin ako makaiwas at hinahanap-hanap ko pa rin ang masayang samahan natin (na hindi naman nawala, nagiinarte lang ako).
O sige, pa'no kung huli na lahat kapag nagkita uli tayo, yung tipong --a, basta. Basta. Nakakainis na yung puro pa'no e wala namang nangyayari sa 'tin. Walang gumagalaw. Dedma pareho. (O nagiilusyon lang akong may nararamdaman ka din.)
Basta pangako ko sa sarili ko, pagka-birthday ko, that's it. FORGET THESE FEELINGS. Saktan na ang sarili, o saktan ka, ayoko na. Ang hirap umasa na madadama mo o magkakalakas ako ng loob. Kasi parang parehong hindi magkakatotoo yun.
Sige. Dedma ka pa rin. EWAN KO SA YO.
kabaliwan