Akala Ko

Sep 04, 2010 00:56

 Titulo: Akala Ko
May-Akda: ryoma_nakamada 
Genre: Drama ni Yuto ng malupet
Labtim: Yuto-centered, Yamada/Shida
MTRCB: G
Bilang: Tatlong daan at dalawampu't lima/325
Buod: Nag-eemote si Yuto kasi sina Ryosuke at Mirai na.
A/N: Hango sa isang panaginip, srsly. Hindi ko sini-ship ang NakaShi, pero bagay lang ang pairing sa sitwasyon. OK? :)



Akala ko panaginip lang, yun pala totoo na. Akala ko pwede pa, yun pala hindi na. Akala ko may pag-asa, yun pala wala talaga.

Sa una, binalewala ko lang ang sabi nila na gusto siya. Hindi naman kasi ako ang tipong naniniwala sa tsismis. Sabi ko sa sarili ko, wala lang talagang magawa si Chinen at Kamiki kaya nila ipinagkakalat na may relasyon kayo. Pero noon pa man, alam ko nang gusto ka niya, torpe lang talaga siya. Ako naman, pinipilit pa siyang ligawan ka. May patukso-tukso pa ako sa inyong dalawa, hindi mo lang alam durog na puso ko. Pwede na akong manalo ng Nobel Prize in the field of Martyrdom. Pero mas gugustuhin ko pa rin na ikaw sana ang premyo ko. Kaya lang, wala na talaga.

Ika nga nila, to see is to believe. Ayun, pinamukha talaga sa akin ni Destiny na kayo na nga. Nakita ko kayo sa mall, naglalakad. Wala anaman sanang malisya yun, pero magkahawak kamay na nga kayo, pair pa damit nyo. Halos iluwa ako ng balat ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Oo, masakit siya. Kaibigan ko kasi siya. Kung sana nga lang pwede kitang turuang ako na lang ang mahalin, ginawa ko na.

Hiniling ko na sana matapos na ang pahirap na ito sa puso ko, pero nasundan pa ng mas masakit. Dumalaw pa kayong dalawa nung naospital ako kasi nadale ako ng dengue. May dala pa kayong prutas at bulaklak. Sana nga korona na lang ang ibinigay niyo sa akin para bagay sa kalagayan ng puso ko. Inisip ko nga nung panahon na iyon na sana naubos na lang platelet ko at nagkandadugo-dugo na buong katawan ko para mamatay na lang ako. Wala namang difference iyon sa sitwasyon ko sa tuwing nakikita ko kayong magkasama.

Malambing ka nga sa akin, pero siya naman mahal mo. Mahal mo rin nga ako, ngunit mas matimbang naman siya sa puso mo. Ano pa ang laban ko dun?

fan of: shida mirai, fan of: ryosuke yamada, fan of: yuto nakajima, ♥ : yamashi, filipino fic

Previous post Next post
Up