Oct 15, 2007 09:25
Ang iyong mga matang nagsasabi ng totoo
Nagsasaad ng damdaming di mabigkas ng labi mo
Mahal mo ako, ngunit nahihirapan ka
...kailangan ng panahon
...kailangang mapag-isa.
Di man lamang nahagkan
Bago ang madalian mong paglisan
Nangako kang hindi ito ang katapusan.
"...Mahal pa rin kita."
Naniwalang lubos sa pangako mo
Umasang may pag-asa pa tayo.
Ngunit ano itong nakikita?
Mahal ko, tila nag-iba ka
...tila pag-ibig saki'y wala na
...tila sa puso mo, ako'y napalitan na.
Ang iyong mga mata
...sabi mo ako'y mahal mo pa
...nakikita kong mahal mo'y iba na.
Sana nagsabi ka na lang ng totoo.
Ginago mo pa ako.
...At ako naman, nagpagago.
star of david