Bigat ng Salita

Dec 24, 2013 16:59

Tama nga ang payo ng aking magulang, ang mga binigkas mong salita ay hindi mapapawi ng simpleng paumanhin na sori. Minsan, kailangan iniisip muna ang bawat titik at tunog bago ito’y ilabas bilang isang salita. Hindi natin alam kung ito ay makakasakit sa iba o sadyang parang kagat ng lagam ang epekto sa kanila. Mas mainam na din na mag-ingat para di makaabala sa iba. Umiwas sa mga gulo para maging payapa ang buhay. Siguro nga, dapat naiwasan kita ng mas maaga para hindi nabuo ang mga masidhing nararamdaman ko sa iyo. O kaya naman baka nangyari ang mga matamis at mapait na pangyayari ay upang matuto ako masaktan, bumangon at magsimula uli katulad ng mga libong tao nasalanta ng bagyong Yolanda. Bawat hakbang ng buhay, may dalang leksyon at aral para sa isa. Kaya sa susunod na bubuka ang ating mga bibig, isipin mabuti ang bawat titik at bigat ng salita bago ito’y isambit.

Christine
Previous post Next post
Up