Wasak

Dec 15, 2013 15:07

At dahil umibig ka, nagpakatanga ka
kahit alam mong masakit at mapait,
sumubok ka pa rin parang buhay lang...
Paano mo nga naman malalaman
kung 'di mo susubukan.

Dahil doon sumubok ka pa rin,
sakaling swertehin o malasin,
Buong akala sa iyo ay umasa,
na kahit kaunti ay may pag-asa.
Labis nangarap, itong aking payak na puso,
na kahit minsan ika'y sumagi sa aking isipan at damdamin
Ngunit bigo at karimlan ang sinukli mo sa akin.

Ganito ba talaga,
ang laro ng tadhana
Na kahit simple at payak na kahilingan
ay di na mapatawad na pagbigyan.

Kaya ako ngayon ay nawasak na,
ang puso na minsan ay umasa.
Previous post Next post
Up