holy week?

Apr 07, 2007 13:13

maundy thursday:
nagsimba kami sa mongha, gaya last year at last last year. at last last year pa O_O err.. ok lang magsimba sa mongha, pero sorry.. medyo inaantok talaga ko >_< except kung si Fr. Bart siguro yung nagmamass. si mommy kasi favorite sa mongha kasi solemn daw. ehhhh.. nakakaantok.. so nakakaguilty tuloy XD

tas terno pa kami ni tita auggie! as in apple green na polo shirt, maong, tsinelas. di kami nag-usap tas inasar ko siya kasi naka-heart siya na necklace, ginaya ko. BWAHAHA >:D ayun. tas edi mass. washing of the feet. ang bilis ng panahon. last year lang, katext ko si migs tas sabi niya saken, asa beach daw siya, hinuhugasan ang paa niya sa seawater O_o ahehehe.

ayoko ng amoy ng incense huhu.  tas nag-visita iglesia kami :) gusto ko to:D pero madaya kami, sa loob pa lang ng mongha, 5 simbahan na! so 2 na lang para makumpleto ;) ang gaganda talaga ng chapels/ simbahan dito sa seminaryo pramis ♥ masarap magdasal. para makapag-isip-isip.  sa 7 simbahan, iba-ibang prayers ginawa ko. yung una, para kay papa. 2nd, mommy. 3rd, sa kapatid ko. 4th, sa kanya. 5th, family and friends. 6th, family and friends na kasama na ni God :( 7th, para sa sarili ko. haha.

tas sobrang naguiguilty ako kasi nawala ko yung relo na bigay ni mommy nung birthday ko! ilang months pa lang saken yun nawala ko na T_T at yun. sobrang pinapaguilty ako ni papa atsaka ng kapatid ko. waaa sorry na po di ko naman sinasadyang mabasag e. basta nabasag kasi.. tapos nahulog.. e madilim dun sa may seminaryo.. di ko na nakita :(

everything has a reason.  that reason may be hard to understand.  but whatever it is, we just have to believe that God takes away when He has something better to give.

tama :) ibig sabihin, mas magandang relo ang bibigay sakin ni mommy. JOKE. haay naguiguilty ako >_<

good friday:
medyo maaga gumising para mag-station of the cross :) tas ayun, sa church na kami nagkita-kita nila tita auggie. tas andun pa rin yung matanda na namamalimos sa harap ng simbahan na 10 years old pa lang ata ako andun na siya :( haay kawawa naman. tas ayun, di pa rin pinapalitan ng bagong daan ng krus yung simbahan ng balagtas. nyar.

pagtapos nun, diretso kela lola. andun yung mga makukulit kong batang pinsan XD masarap paiyakin ;) tas kain. bawal meat. tas pinagbawalan ko rin yung sarili ko uminom ng coke. tsaka bawal internet. bawal magandang movie. sacrifice.

tas seven last words. pero nakatulog na ko e. 7pm, nag-prusisyon kami! every year sumasama ako dito :) medyo malapit ngayon, pero ewan, tumatanda na ata ako kasi bumibigay tuhod ko habang naglalakad hehehe :D pero ayun. okay! :)

di ko talaga gets mga pinsan ko bat pupunta silang fontana. at Good Friday pa talaga ha! actually di ko gets mga tao kapag nagbabakasyon sila pag Holy Week, e pwede naman nilang gawin yun any time.  E ang Holy Week, once a year lang naman.. tas dun pa nila tinataon lumabas :( nakakalungkot lang. maluwag pa nga ang simbahan ngayon compared sa dati tas di pa nila mabigay kay God yung time na hinihingi Niya. ohwel. senti. para sakin lang naman ok? sorry naman, lumaki ako sa ganitong pamilya...

black saturday:
ayan. wala pa ring pang-Holy Week na palabas sa tv XD dati nga, before year 2000 ata wala namang palabas sa tv pag holy week. kung meron man, yung sobra sobra sobrang lumang tagalog movie >_< hehe.

Easter Vigil mamaya at reader na naman ako :) hehe. gustong-gusto ko nagseserve sa simbahan. umm.. yung kahit taga-basa lang XD dati gusto ko mag-choir pero since mas madalas wala ako sa bahay pag pasukan , medyo mahirap :( dream ko pa naman yun, mag-choir. feeling maganda boses hahaha XD so pag may nag-ooffer sakin magbasa sa mass.. go na go naman ako :)

pero pinagsusuot nila ko ng high heels mamaya. baka daw kasi di ko maabot yung podium XD grabe naman! ganun ba ko kaliit? haha.  ano kayang pwedeng gawin sa summer para tumangkad? haha.

okay binabasa ng mommy  ko ang sinusulat ko T_T ampf. alis muna ko :) enjoy kayo sa bakasyon ^_^

holiday: holy week

Previous post Next post
Up