She used to lie very often...

Apr 04, 2007 17:05

kakatapos ko lang panuorin yung Tada, Kimi Wo Aishiteru (Just, Loving You/ Heavenly Forest) . omygaaaaaaad. sobrang naiyak ako. promise panuorin niyo. hindi ko dinownload yung movie, tas yung sa youtube walang english subs. sa crunchyroll ko siya pinanuod :D

salamat sofia (
ninkytase) kasi sayo ko yun nakita :) actually sa jdramas nakita ko rin at medyo naintriga ko. tas may isang post ka tungkol dun so pinanood ko na talaga ngayon :) sulit talaga :P nakakaiyak. huhu. ang bigat nga lang sa loob. di ko inexpect na ganun. haay.




"Was there at least a tiny bit of love in that kiss?"

"There was.  It wasn't even close to a tiny bit.  You were... My everything."

di pa rin ako over diyan. umiiyak pa ko. hehe. at nahuli ako ni mommy XD tinawanan ba naman ako >_<

ang galing sobra ni Miyazaki Aoi. clap clap clap :) tas medyo nagulat ako nung tinanggal niya glasses niya kasi sobrang nag-iba itsura niya. ang ganda O_o tas si Tamaki Hiroshi , cute :D hindi ko alam kung natatawa ba ko o kinikilig sa kanya XD

tas si Kuroki Meisa, omg ang ganda niya! pagkakita ko sa kanya, whoa.




di siya masyadong maganda dito.. pero basta. maganda siya :) tas habang nagsesearch ako ng pics niya, nasa One Missed Call 3 pala siya. kasama si Horikita Maki! wow. lately kasi, nagiging Maki fan na rin ako. hoho. pero Barbie Xu pa rin siyempre. :)




scary. hehe gusto ko mapanuod yan! one missed call 1 pa lang napapanood ko e, with cesium :) pero medyo naaalala ko si Kuroki Meisa dun sa commercial model (yung sa Mcdo) anong name niya? hmm.. yung partner ni  captain barbel sa GMA! hahaha tama tama.. diba? :D

* * *
feeling ko buong summer ako ganto. tulog-kain-libro-internet-tv. haha. walang buhay sa labas. di naman kasi ako magsusummer class. tas taong bahay naman ako.. sooo sige puro ganto na lang. enjoy naman e! :) ewan ko para sa inyo, pero ako, ok na na ganto :D

wala na kong masyadong alam na taiwanese series XD nyar. interested na ko sa mga japanese stuff simula nung napanood ko gokusen last year haha :P pero may plan ang f4 (taiwanese version) na gumawa ulit ng isa pang drama!! (as in silang lahat sa isang drama :D) weeeee ♥ next year ata. good good :D tas next year din ata ikakasal si zaizai and barbie. yii. i can't wait :D

hmm.. anong next kong papanoorin? :)

pictures: random, movies: japanese

Previous post Next post
Up