Mar 05, 2007 18:23
stat= walang quiz. buti naman.
chem lab exam = O_o bakitbakitbakit. huhuhuhu. T_T di ako makapaniwala. shet.
comsci = 7 items na long exam! 1 point each! HUH?! walang partial yun?! napakagaling.
* * *
birthday kasi ngayon ni anne, math 36 classmate ko. 18th birthday. tapos akala ko pinagtri-trip-an lang siya kasi inabutan siya nila greg ng medyo malaking box. tas walang laman yung box. kala namin palaka or insekto XD so tawanan lang kami. tas sabi ni sir kumanta kami ng happy birthday. tas habang kumakanta kami, dumating si arvin na may dalang birthday cake!!! di ko alam kung naiinggit ako dahil si arvin ang nagdala ng cake (haha nacu-cute-an kasi ako sa kanya ;P) at super sweet nila tingnan o dahil sa wala, naiinggit lang talaga ko. period.
napaisip kasi ako. hindi lang naman to dahil sa 'special someone' na gagawa ng mga ganun. actually noon ko pa to tinatanong sa sarili ko. kung bakit kaya hindi ako sinosorpresa ng mga kaibigan ko. lalo na pag babaeng kaibigan. nyar. HAHAHAHA. grabe ang babaw eh. pero seryoso napaisip talaga ko. bakit yung mga ibang kaibigan sobrang pinaghahandaan nila yung surprise para sa friends nila, kahit hindi naman debut o kung ano man. na-feel ko lang to nung isang time, may isa akong 'friend' na hindi ko na babanggitin ang pangalan. may plinano siyang surprise para sa isa pa naming friend. so go na go naman ako. tas successful yung surprise namin. tapos pagdating ng birthday ko, medyo nag-expect ako na isusurprise din ako. PERO HINDI. at medyo nagtampo ako :( kasi bakit naman yung isa naming friend sinurprise niya tapos ako.. wala lang? eh sa pagkakaalam ko, close talaga kami. oh well.
feeling ko tuloy hindi ako ganun ka-special dahil wala naman nagpaparamdam sakin. HAHA. minsan pag kaibigan ko ang humihingi saken ng favor, ginagawa ko naman ahh.. kahit ayaw ko. pinapakinggan ko rin.. kahit minsan ayaw ko rin dahil paulit-ulit lang naman sila JOKE.. pero kasi kaibigan ko sila at parang responsibility kong gawin yun para sa kanila. perfect example si ________. tapos pag ako naman ang may kailangan, wala, parang walang pakialam. FINE. hehe.
ang babaw ko pero sobrang nalulungkot lang talaga ko pag ganun. hehe. ewan. ngayon nga may isa na namang friend na isusurprise at malaking part ako nun. kung gawin siguro sakin ng pamilya ko nun iiyak talaga ko sa sobrang saya. hayhayhay.
okay hindi ko sinasabi to para isurprise niyo ko -_-" at hindi naman dahil napaka-materialistic ko. actually mga maliliit na bagay, sobrang saya ko na. haha. naisip ko lang talaga kasi ang swerte kanina ni anne talaga. sabagay di kasi ako sanay sa mga surprises hohoho. pero siguro gusto ko lang kasi pinagdudukdukan (wow) saking special ako >_< yun nga lang, narealize ko na bilang na bilang lang pala talaga yung mga TOTOONG kaibigan ko. ganyan talaga eh :P
ung bag pala na bigay ni miguel nung birthday ko! yun na ata yung birthday ko na talagang ang saya ko dahil parang special siya kasi kahit malayo ako maraming nag-sign dun sa bag na importanteng tao na kinasaya ko :) tsaka isang time pala, nung naospital ako, mga ka-service ko naman gumawa ng cute na letter na pambata :P. hehe. tsaka mommy ko, surprise polly pocket nung prep graduation :) atsaka yung siyempre, fine, yung marami-raming surprises ni nicole.. na secret :) hihihi. wala na naman eh. ANYWAY. meron naman pala kahit pano.
pero kasi parang kelangan ko pa bang lumayo, maospital, at grumaduate bago gawan ng special na bagay? hehe wala lang. DRAMA ARRRGHH >_<
bigla ko lang talaga naisip :P
* * *
mag-aaral na lang muna ko XD chem lec exam bukas. dito ko na lang binabawi yung lab exams ko e. haha. kainis naman oh. tsk. buti 4% lang bawat lab exam XD nyar.
GUSTO KO NA MAGBAKASYON.
sana makadaan ako sa diliman sa friday. ang dami kong kelangan ayusin T_T mukhang di ko maabot yung requirements sa ie natatakot ako >_< lalo sa staaaaaaaaat. waaaah. sana payagan. pero pag hindi, maghahanap na talaga ko ng pwedeng course sa friday. kelangan ko lumipat. kundi, lagot ako. ampf.
SANA APRIL NA. SANA WALA ULIT ENG2 :)
muni-muni,
mood: emo,
elbi