yamaki <33

Mar 03, 2007 21:26


matinong post :D

Monday:

1. walang comsci. happy.
2. nakipagdaldalan sa isang cute na blocmate. bakit ba puro yung pangit na side ng mga Catholics ang nakikita nila? bat hindi yung magaganda?! nyar.
3. lahat na ata ng love songs na pang-nadurog ang puso naging theme song ko na XD
4.  "magmukmok ka na hanggang wala nang imumukmok pa. matagal talaga yan but time will heal all wounds". -galing sa isang kaibigan na pinagkakatiwalaan ko. isa lang siya sa onting taong pinapaniwalaan ko at sinusunod ko ang advice na binibigay niya saken. kahit most of the time, masakit. haha.
5. nakatulog ako dahil nanood ako ng oth. haha.  jake funny :D

Tuesday:

1. ayoko pa rin nung gamot na kailangang ilagay sa tenga ko. kainis.
2. napagsabihan kami ni jasper sa chem lec. haha. nagdadaldalan kasi kami e asa harap lang namin yung teacher >_<
3. meeting para sa problem set, kinausap ako ni jomuel
4. 5:30 sa may raymundo, white house. ang galing.
5. wala kaming natulong na matino ni anree sa problem set kasi inako na lahat ni jomuel. binilhan na lang namin si greg, arvin atsaka jomuel ng kwekwek haha.
6. dumating si adrian, umalis si anree. umalis si adrian. naiwan kaming 4. ihahatid ako nina jomuel, greg, atsaka arvin sa apartment. ang ganda ko :P
7. pero dahil mga lalake sila, nagutom sila at kumain. inggitin daw ba ko XD
8. cute si arvin. period. ♥
9. si jomuel. di na masyado. kasi di na ko nahihiya. nakakausap ko na. plus, puro na lang acads! at pisaypisaypisaypisay. ang taas ng tingin niya sa pisay so ineexpect niyang masagutan ko yung mahihirap na problems sa prob set. wth. haha.
10. sumali si jomuel sa isang contest sa pisay. yung math thingy. yung may play, si ardynne si math man (?) omg andun siya at napanood ko yun. wow.
11. 9pm na tuloy ako nakauwi. kape + pandesal na dinner
12. alam na ni sir na crush ko si  jomuel :(

Wednesday:
1. wala ulit comsci. long test naman sa monday.
2. nagpalit ng upuan sa math. ang sad. sa harap na harap ako :( bye bea, aimee, benj, jojo.
3. magkatabi na naman si anne at jomuel! oh well.
4. ginawa ko yung eng2. buti natapos. tatlong oras na internet plus print = P92.00 T_T
5. walang pe dahil 2nd place kami yehey.
6. 1.5 ata ako sa duckpin. yung score para sa games.
7. 2.5 para sa attendance!! hahahahaa >:D tas dahil may namiss na quiz, kelangan ko ng written exam.
8. aral aral aral sa math

Thursday:
1. walang eng2. ang swerte ko naman. every time umaabsent ako, wala si sir! :) so wala pa rin akong absent hihi.
2. ayoko talaga ng seating arrangement sa math. grr.
3. math math math math

Friday:
1. stat lab! OMG. first time ko makakuha ng ganung score sa stat lab! sheeeeeeeet. 34.5/50!! sobrang baba huhuhu T_T yung 45/50 nga namin dati mababa na, 34.5! wtf. di to pwede. kelangan ko ng mataas na score sa stat lab panghatak sa stat lec >_<
2. nakakahiya sa math. di ako marunong mag-simplify ng fractions haha.
3. 500% sure na kong alam na ni jomuel. sinabi ni greg. HARAPAN. andun pa ko. shit. di ko na alam pano siya kakausapin. kinakausap pa naman niya ko lately :(
4. pero nung hapon, ok naman si jomuel. kahit tinutulak-tulak na ko ng mga tao sa kanya XD
5, tapos sa harap nung prob set namin, may quotes na imbento ni greg. at i love oble ang nakalagay saken. goodjob. nga pala, si jomuel = kaisa-isang oblation scholar sa lb.
6. nag-stay sa bahay nila anne
7. alam ko na kung bakit nagpa-bonus si sir. math test = O_O
8. inabot kami ng 2 oras mehn. pero dalawa lang ata out of 8 yung sure ko. haha. di namin kinaya mygaaaaaash. ayoko naman ng 36/80 lang haha XD antanga nun.
9. creepy math bldg. kahit 6:30 pa lang
10. jasper, aimee, adrian, benj, etc. funny ^_^ sobrang kanerdohan namin after exam eh. nakakabaliw. lahat sila umuwi tapos naiwan ako. ohwell.
11. planong movie marathon XD sana matuloy.

Saturday:
1. may pigsa ako sa elbow OMYGAAAAAD.
2. tv tv tv

* * *
episode 9 ng nobuta wo produce. ang bagal ko manood. di kasi kaya ng mata ko. haha. ayoko pa tapusin kasi ewan maadik ako lalo. waaah T_T yamapi ♥ ang cutecute ni akira ♥♥ ang cute nila ni kotani XD weee. kasi pag kay kame, wala, drama na eh XD

tas nakapag-decide na ko na this year, magpapagupit talaga ko ng maiksi! haha. at gusto ko yung hair ni nobuta. hihihi. sana kayanin XD

shuji, akira, nobuta :)



















madaming madaming scenes pa kong gusto ilagay pero di ako makahanap! nyar.

tas after ko matapos yung episode 9, nakita ko na may isa pang drama si yamapi at maki! <33 kurosagi yung name nung drama.  tas may napanood akong super cute na music video ♥  hehe. tas episode 1 lang yung asa youtube :( first part pa! pero kinikilig talaga ko ng sobra!! pramis kelangan ko to mapanood sa bakasyooooon! or kahit now na. huhu.

haay. masyado ko na tong pinag-aaksayahan ng oras. hehe. dapat nagprapractice ako ng comsci ngayon eh. sana talaga bakasyon na!!

kailangan ko na talaga ng mataas na memory para sa HD. nyar. at dvd burner. waa. sana di mag-asawa si tito lean. kelangan ko siya para sa mga gantong luho ko XD ahahahaha.

:)

love ♥, jceleb: horikita maki, linkie, pictures: random, *rl: random, dramas: japanese, *rl: elbi, jceleb: yamashita tomohisa, jceleb: kamenashi kazuya, elbi: acads

Previous post Next post
Up