Feb 25, 2007 18:33
wednesday:
21 pa naman nun. tas wala, nasira lang ang buong araw ko. mukha akong zombie pagpasok at kung anoanong palusot ang sinabi ko pag may nagtanong kung bakit namamaga mga mata ko >:D
ash wednesday. punong-puno yung st.therese! ang daming tao grabe. nakakaasar lang nung wednesday na to kasi umabsent ako ng PE kasi 4-6pm yun tapos 5:30 yung mass. e ayokong ma-late.. tapos.. wala palang pasok!!! pero nag-check ng attendance :( huhuhuhuhu. 1 meeting na lang ang pwede kong iabsent. 2 hours kasi e. ang tanga ko. oh well. masyado nang maraming nangyaring di maganda saken, wala nang makakadagdag pa sa sama ng araw ko ;)
binuhos ko na lang ang lahat ng galit ko sa pangangarir ng chem lab at pag-answer ng math problems :P yak.
thursday:
BUMILI AKO NG DVD PLAYER!!!
sa olivarez :)
hahahaha. siyempre 'pirated(?) na dvd player. ahahahaha. pero ang cute kasi e!! portable siya. na walang screen :( malamang. di ko na kaya bilhin yun pag meron :)) so yun. super maliit at magaan siya. tas may memory card reader, games (haha) at pwedeng kabitan ng usb. at lahat ng types ng dvds, pline-play niya!
ang weird ko. ganto ata ako pag depressed. nagtatapon ako ng pera XD kung kelan magbabakasyon na tsaka ko naisipan bumili para sa apartment. kasi hindi ko na talaga kaya dun!! atsaka para di na rin ako nagbababad sa internet shop pag lusaw ang utak ko kakaaral -_-" kung sana naka-dorm ako ok lang eh. pero hindi. wala talaga kong magawa sa tv naming walang picture >_< ayan. kahit papano di na ko mababato pag nag-weekend stay ako :P
yung pera? sakin ata ;) may tita kasi ako na nagpapaaral sakin dahil mahirap lang ang aming pamilya. dehh. wala kasi siyang asawa so ako ang pinapaaral niya :D every month naglalagay siya ng mga P5000 sa account niya para saken. pambayad ng apartment. e 2k ang kelangan ko per month pambayad kasi hati naman kami ni nikki. so laging may natitira :P pang-luho ko. joke ;)
nung christmas kasi, may share talaga ako dun na dapat bilhin ko kung ano yung GUSTO ko, hindi yung KAILANGAN ko. e ayaw akong payagan nila mommy. so eto, tinakas ko :P ahahahaha. papalitan ko naman e. tra-try kong ako na yung magbayad ng apartment para sa march. hehe.
nakakawala ng lungkot.
friday:
ginagamit ko yung bag na bigay sakin ni miguel. yung sinulatan niyo ng birthday message? :) tapos aliw na aliw mga classmates ko. tas si benj, yung math classmate ko tinanong niya kung pwede siya magsulat dun! akala niya kasi wala lang trip lang ng mga tao sulatan ang bag ko. e siyempre ayoko!! huhu. iniingat-ingatan ko nga yun eh.
pumunta si nikki ng diliman para magtanong pano lumipat. deds. at nakita daw niya si kiel. kilala niya halos lahat ng mga kaibigan ko dahil lagi akong nagkwekwento ;) ang dami nga daw niyang nakitang pisay. mga naka 'zoobix' :)
may talo na sa pustahan namin ni migs, kaye atsaka amanel. woohoo :D
nasend ko na :P
tas parang kinilig ako kasi yung blocmate ko na cute nilapitan ako. tas inaayos ko kasi yung payong ko. eh duh. alangan namang nakangiti ako habang nag-aayos ng payong -_-" so nilapitan niya ko (at hinawak sa may arm hihihi ^_^) at tinanong kung bakit ako malungkot. natawa naman ako dun :D SAYANG MAY GIRLFRIEND (hindi taga uplb hohoho) >_< pero may nabasa ako dati: ang manok, mas madaling mahuli pag nakatali na. HAHAHAHAHA >:D
saturday:
hindi ako nakapanood ng it started with a kiss. matatapos na yun bukas e :( ampanget ng subtitles nung nabili kong dvd nun.
may it started with a kiss JAPANESE VERSION pala? wow O_O
nagpa-check up na naman ako ng tenga. mga 7 or 8 years ago na sigurong hindi O_O
meron kasi akong abnormality sa tenga ko. deh joke. di naman. hmm. sobrang maliit kasi yung butas ng tenga ko na kahit cotton buds, hirap magkasya @_@ so kelangan doctor ang naglilinis nung pinakaloob ng tenga ko. at kanina, pinadoktor ko. WAAAAAAAAAAH. buti na lang mabait siya. so halos 8 years ko nang hindi nafi-feel na kung anuano ginagawa sa tenga ko tas kanina WAAAAAAAAAAAH. masakit talaga. naiyak na naman ako. pero hindi kasing hirap nung elementary ako na nagsisisigaw ako sa ospital na parang may sira sa ulo ;)
grabe ang lala ng tenga ko >_< pero mas mura siya ngayon. P300 na lang per ear. dati kasi, P900 bawat tenga O_O. wala pang kasamang gamot. tsss.
buti magaling na yung doctor ko ngayon. UP eh ;) at surgeon siya! wow talaga >_<
di ko magets bakit kelangan pa sabihin ng tatay ko na up din ako. tapos pisay pa. tapos napunta kami dun sa 'naglason' story tapos alam niya buong kwento. tapos nag-usap sila ng tatay ko na puro tungkol sa kung gaano kaswerte ang mga pisay at namangha ang doctor na ie ako -_-":
basta yun. wish ko lang tuloy-tuloy na tong ie na to. pero pag di ako pinayagan ng diliman kung ie ang kukunin ko kasi madami silang nirerequire, hmm. kahit anong course muna basta lang makapasok! desperado na ko! ehehehe. :D
* * *
nobuta wo produce cute cute cute ♥
nabasa ko kasi siya sa isang lj entry ni sofia tas triny ko panoorin.. waa ang cute :) ang swerte swerte ni 'nobuta' kay shuji (?) at akira hahahaha. di pa rin ako makapag-decide kung sino mas cute sa kanilang dalawa :P
nung unang part, shuji ako e! pero nung mga episode 3 na, akira na! woohoo :) lalo sa episode 5!! ^_^ eeeeeeeee. kinikilig ako pramis <3 tas pinagtatawanan pa ko ng mommy ko (sa computer kasi ako nanonood) kasi takang-taka siya kung bat tawa ko ng tawa. haha. basta. cute :P
kilala ko na ngayon kung sino si kame at kung sino si yamapi ;) wenk.
one tree hill season 2
wala nang masyadong nangyayari sa mga napapanood ko :( at ayoko talaga yung character na anna. ugh. ewan ko ba. natutuwa na lang ako kay peyton-brooke kasi amazing yung friendship nila :) sana may ganun din akong ka-close na babae :( at wala na kong pakialam masyado sa love story ng oth. haha.
pero, ugh. lucas pa rin. hihi. kahit na naaalala na naman kita.
american idol
wala lang. onti yung magaling (at cute) na guys :( mas magagaling yung mga babae. tas sayang yung paul kim ba yun? asian ba siya? singkit e. la lang, sayang.
it started with a kiss
ending na! la lang XD
sunday:
ay may nareciv ako sa fone ko na horoscope -_-" di ko alam pano to tatanggalin huhu T_T
LOVE VIRGO: If you find yourself a bit sad, be proactive. Why mope when you can cope? Get out and about foe a little exercise. Or a call a dear old friend.
haha wala lang :P a bit sad siya diyan >_<
* * * *
fiesta sa mga lola ko :D omg ansakit ng tiyan ko kakakain pramis. ayaw kasi nila ng hindi ka kakain sa lahat ng bahay -_-" e mga 5 magkakatabing bahay yun.. sooooooo. nyak.
mag-isa na naman ako pumuntang lb. boring.
di ko magets kung bat gustong-gusto kong damitan ng nanay ko ng mga nakakatakot na damit >_< hmp. at least, ipapagawa ATA niya ako ng jumper. yehey! shorty! :)
halos 5 weeks na lang magbabakasyon na!!! :) pwede ko nang gawin mga gusto ko. weeeeeeee ^_^ gustong-gusto ko na matapos tong sem na to. nakakapagod kaya T_T atsaka masyadong maraming nangyari. sana makalipat ako. di na ko tatagal ata ng isang taon pa T_T
so pag hindi, ewan na :(
tv show: others,
love ♥,
dramas: japanese,
lj: wishlist,
halo-halo,
horoscope,
:)