Feb 21, 2007 00:22
"...Patuloy pa rin ang pagbuhos ng luha sa kanyang mga mata. Hindi niya alam kung paano ito mapapahinto. O kung matitigil pa nga ito. Walang solusyon. Walang lunas. Walang sapat na dahilan para ikasiya niya. Walang makakapagpaan ng loob niya. Wala.
Gusto niya na lang magtago sa aninong dulot ng nakakabulag na liwanag ng araw. Bakit kaya hindi sumasang-ayon ang panahon sa kanya? Sana sabayan siyang lumuha ng langit. Sana..."
quotes: i love,
mood: emo