ang weird ng araw na to XD

Jan 04, 2007 18:16

akala ko sobrang late na ko sa chem lec kasi sarado yung mga lecture hall kasi 8:35 na sa relo ko, e 8:30 yung class. tas nagtext na ko ng mga classmates ko kung bat nasaraduhan ako walang nagreply! so akala ko wala kaming klase! tas nagreply si nikki sabi niya feeling daw niya may mali sa oras namin kasi akala niya kanina late na siya, yun pala, isa pa siya sa pinakmaaga >.<  tas yun nga, 30 minutes advance pala lahat ng mga relo ko! pati yung kay nikki! hindi ko naman ginalaw yun kahapon. yung fone ko alam ko 20 minutes advance, pero yung wrist watch ko alam ko 5 minutes lang. tas naging 30! huuuuhhhhhhhh. O_o kakaiba. so mukha akong tanga. 30 minutes mas maaga ako sa lahat ng class ko. weird talaga.

after eng2, binangga niya ko. ehhh. as in sadya! tas isa lang naman daw ang pupuntahan namin so sasama na lang daw siya sakin kung san ako pupunta XD at nagpapalibre sha ng sago. -_-" basta kwentuhan kami ng halos 1 hour at sobrang feeling close sha omg! tas crush sha nung teacher kong lalaki, nakakatakot TT__TT hahahaha. ang kulit eh. tas magmimeet kami after math kasi pupunta kaming lib. dapat mauuna ako kaso mas maaga pala sila pinalabas. tas sabi ko dadaan muna kong chapel, ayaw ba naman! ok  nakaka-turn off talaga.  tas basta. weirdo.  at narealize ko after naming magkasama ng araw na to, hindi ko siya magiging crush. hahahaha :)) masyado kong naaalala ang isang tao sa kanya. haha.

pero kahit may ilang tao na nagpapaalala saken ng ilang tao rin, ndi pala pwedeng mapalitan yung 'original' hahaha :)) yung parang hindi pala talaga nagkakaron ng replacement. kunwari may bago kang boyfriend or whatever, tas hindi naman niya talaga marereplace yung 'ex' mo kasi parang may isang special place na sa (ewan ko kung ano tong special place na pinagsasasabi ko :D) nakalaan/ nakareserve para dun sa taong yun. ata. may sense ba? hahaha. basta ganun. pag may bagong dumadating, hindi napapalitan yung dati.  humahanap na lang ulit ng panibagong place para i-occupy niya. okhaaay anlabo ata XD

pinuntahan ko yung bilihan ng dvds tas sarado. badtrip.  hindi sulit ang chicken strips ng jollibee. nakakainis yung tindera na binilhan ko ng bracelet para kay nikki, dadayaan pa ko sa price! dagdagan daw ba ng P30! e mas mahal nga ng P10 yung kanila kesa sa iba e! hmphmphmp.

may 5 books na ko para sa eng2! pero pupunta pa rin akong up diliman sa sabado :)
di ako masyadong excited, feeling ko nde niya ko masasamahan eh :(

* * *

nanunood ako ngayon ng one litre of tears. nabasa ko kasi dati kay joy (
killjoyed) ata. tas nadaanan ko sa youtube kasi may hinahanap ako kahapon. tas ang ganda! well, episode 3 pa lang ako, pero kahit na! nakakaiyak nga. huhuhuhuhu. ang galing nung characters XD gwapo yung guy, maganda si aya, kahit may mali sa ngipin niya. hahaha. pero promise. maganda :)

yung nanay ba ni aya dun yung nanay rin ni uchiyama sa  gokusen? hmm =/

nakakatakot tuloy magkasakit. nga pala, true story sha kaya nakakatakot >_<

* * *

uuwi na naman bukas kaya excited :)
umaasang ihahatid si nikki sa sunday para may tv na kami \m/
yipeeee :P
Previous post Next post
Up