hapi new year!

Dec 31, 2006 22:55


OMG. may nagbigay sakin ng shirt (na cute sana kasi black and gray) pero ang nakalagay:

BITCHY IS MY MIDDLE NAME

nice one. as if masusuot ko yun sa labas! at ang nagbigay nun ay isa pang 'madre' kong tita XD  malamang hindi niya alam ang ibig sabihin ng bitchy. nyar.

at maraming nagbigay sakin ng pajamas haha (maraming salamat dahil favorite ko yun) pero sana yung ka-terno hindi spaghetti top.  at ayoko rin ng sleeveless. huhu. nang-iinsulto ata sila :( ang sad.  mas gusto ko ang mga long sleeves. bat naman kasi napakalamig sa pilipinas -_-" haha.

* * *

ang hirap ng letter N! nyar.

1. Nicolas- surname ko. mas nicolas ako kesa marcelino eh ;) pag nakita niyo yung mga Nicolas, sure na kayong dun ako sa pamilyang yun galing. hehe. itsura pa lang talaga! pati pagsasalita, paglakad. pero di ako marunong mag-ilocano.  atsaka di rin pala ko masyadong matipid. hehe.  tas dati naisip ko, ayaw kong mag-asawa kasi mapapalitan yung surname ko.  HAHA.  pero ngayon may choice na kung pwedeng i-keep mo yung surname mo or hindi diba? sana lang pumayag yung partner ko if ever.  kung hindi, sana maganda/ okay surname niya. wag naman sana bagonggahasa ang surname niya ok >.<

2.  Natasha- nasabi ko dati kay zee na akin na lang yung second name niya kasi ayaw niya. maganda naman yung natasha e. tas nash nickname mo.  tas pag lalake, instead na natasha, nathan diba? hihi. e ayooon. kaya nag-imbento na lang si zee ng ibang name para saken :P hehe.

3. nakakapagpabagabag- wala lang.  cute pakinggan eh :)  tas mahilig kasi ako sa tongue twisters. ewan ko kung baket. nung 10 years old ako, nag-workshop ako sa speech development ata yun.  mahiyain kasi ako (promise :P) kaya kelangan ko matuto magsalita sa harap ng maraming tao, ewan ko ba kung bat lagi akong ginagawang emcee, opening prayer, opening remarks, etc. sa school ko. yun.  so nag-enrol ako dun sa speech development whatever na yun XD pero na-enjoy ko. lalo ung mga drills sa tongue twister kasi onti lang ang nakakagawa sa mga kasama ko :)) haha. mabilis kasi ako magsalita talaga kaya medyo nadadalian ako nun :P pero naiintindihan naman ako pag nagsasalita diba? sinisiguro ko naman na naiintindihan yung sinasabi ko e, pero yun nga pag excited masyado, minsan di na pala ko nasusundan ng kausap ko XD haha.

4. numb- manhid daw ako sabi ng kapatid ko. at ng mga tao sa bahay ko.  wala daw akong nararamdaman, bato daw ako.  feeling prinsesa at walang pakialam sa nararamdaman ng iba.  ewan ko sa kanila, pero hindi ganun ang tingin ko sa sarili ko :(

5. nosebleed- haha. madalas ko tong naririnig kasi sa mga kaklase ko.  pag sobrang lalim na tagalog/ english, mahirap na math problem o scientific explanation o basta kahit anong mahirap na naririnig nila, yun. nosebleed. haha. pero naaalala ko talaga dito yung first crush ko kasi lagi siyang nag-no-nosebleed. sakit niya talaga yun.. hehehe.

6. nun- as in madre.  dapat ata magmamadre talaga nanay ko. pero di natuloy. feeling ko gusto niyang ipagpatuloy ko yun. asa naman sila. kawawa ang simbahan sakin ok.

7. Nonoy- si kuya nonoy, yung care taker (?) ng apartment namin.. hahaha :)) sabi ni nikki kamukha daw siya ni zanjoe. pero hindi haha. pero mabait siyang tao :D nahihiya lang ako sa kanya kasi tinatawag namin siya ng late na sa gabi para magpaalis ng daga at higanteng spider, pati magpakabit ng ilaw at itanong ang number ng jollibee.  atsaka kelan lang, nahihiya talaga ko sa kanya.  kasi halos araw-araw, pagkaligo ko, binubuksan ko sandali yung pinto ng apartment para tingnan kung malamig o mainit sa labas. para alam ko yung isusuot ko. e yun, katapat namin yung parang bodega na ewan XD tas binuksan ko yung pinto, asa may tapat ng pinto si kuya nonoy, napatingin siya saken kasi naka-bathrobe lang ako at may towel pa sa ulo na parang bumbay or something.  sinara ko na lang yung pinto na parang walang nangyari tas nagtatatalon ako sa loob kasi nakakahiya talaga XD hmp.

8.  no- tingin ko isa sa pinakamasakit na salita yun.  pag nireject ka, pag nanghihingi ka ng pera sa magulang mo tas ayaw nila, pag kahit anong request tas ganyan yung sinabi sayo. diba, diba masakit?  hahaha. basta ganyan. ako kasi, ayoko ng hinhindian ako :P hmm. oo tama. pinagpipilitan ko kung anong gusto ko >_<

9. neon- song ng spongecola.  nung unang pinarinig sakin ni migs yung cd, yan yung una kong nagustuhanXD siguro dun sa lyrics na "i know i can never be enough" blah blah. ma-emote kasi :P hehe. pero bukod dun, wala na kaming maintindihan sa lyrics. kasama ko ata si migs, celine, aildrene nun tas trina-try talaga namin pakinggan para masulat namin yung lyrics. pero wala talaga kaming maintindihan T_T haha. tas cute din ang neon pink, neon green, neon orange at neon blue :D

10.  Nicole- hanggang ngayon :)

tapos. :) okay nakakahiya ako XP

kung G siguro yung napunta saken.. hmm.. gluon, garnet, grhm, grha, Goldilocks, Garfield (alam ni ate marian baket), gunggong, gist (hahahaha si nikki lang ata may alam :P), wala na maisip XP

* * *

ako: ma, pwede po ako pumuntang up diliman ng january 6?
ma: bakit?
ako: may kelangan po akong iresearch. sabi pumunta daw sa iba pang libraries kasi.
ma: okay, sino kasama mo?
ako: ako lang po mag-isa.
ma: sasamahan na lang kita pati ni tita auggie mo. manonood kami ng sine.
ako: ha? january 6? ako na lang po mag-isa.
kapatid ko: (nakakainis ampf). whoooooooooo. may tatagpuin ka lang e.
ako: wala no! at kung may tatagpuin ako, ipagpapaalam ko yun no.

okay tulungan niyo ko please XD haha. balak ko talaga siya kausapin sa january 6. medyo nagpaparinig na ko sa nanay ko nun mukhang ok pero di ko madiretso kasi natatakot ako baka kung ano isipin niya. pero mag-uusap lang talaga kami. promise.  at kelangan ko talagang pumuntang lib kasi january 9 na pasahan nung preliminary bibliography sa english. hahaha :))

* * *

pagkasimba kasi, diretso kami sa mga tita ko dahil may onting 'party'. e lagi naman akong OP pagdating sa mga pinsan ko. tingin nila saken weirdo na laging asa sulok, nagbabasa ng libro. o kaya yung taga-pisay-up na nde na nila nakikita.  so nung inuman, nung lumabas ako, aba, center of attention! wala akong balak uminom talaga! nagkataon lang na mag-isa ko sa loob ng bahay kaya mukha akong tanga lumabas ako. e sakto dumating si papa, akala nila magagalit. tas ayon, basta pina-shot nila ko ng tequila >___< e hindi ako umiinom ok! hindi dahil takot ako sa tatay ko.  ayoko lang yung lasa. tas binara ba naman nila ko! hindi daw sila convinced na hindi ako umiinom kasi taga-UP ako! HUH?!

ANG PANGIT NG LASA.  EWWW.

masyado lang sila pasosyal kaya sila umiinom. badtrip.

tas nagsumbong ako kay papa tungkol dun sa imposibleng-di-ako-umiinom-kasi-UP-ako. tas sagot niya, "UP ka nga, si victorina naman magulang mo."

oo nga naman :) hehehehe :))

* * *

january
- nakatapos ng write-ups
- naka-order ng mars :)
- natuto sumakay ng bike
- lumipat sa blogger
- retreat :D
- palanca-giving. may nangyari ^_^
- HARANA ♥
- pisay fair :)
- 8 calachuchi flowers :P kasi may sakit ako ;) 
- isang papel na puno ng marianne, at tama ang spelling :D
- grad pic taking

february
- hsam academy day
- nanalo sa physics ng honorable mention sa best contrived category (yung 'reflection') 
- ymsat
- mars marathon hanngang 6:30am :)
- js prom ♥
- february 15, basta :D
- nakatanggap ng sobrang gandang red rose
- first time naming nag-away
- nagkaroon ng panlalason
- nagkagulo ang pisay

march
- last perio 
- achievement test
- drug test
- pumasa ng upcat 
- muntik na kong bumagsak sa math -_-"
- gluon concert atsaka rap
- recollection
- malabong grad practice XD
- nawala yung bear :(
- bumalik sa lj :D
- grumaduate sa pisay!
- nagpagupit ng maiksi

april
- grad ball :)
- clearance week
- marunong na ko mang-hug. hahaha.
- nagkaron ng best friend, na guy :)
- tumaas ng 2 steps sa STR ni mam cruz! yii. achievement. haha
- holy week
- tuloy na sa elbi
- nanood ng just friends (hug= 1 ticket -_-")

may
- mabilis na enrolment :P
- gusto pa rin mag-dub hanggang ngayon
- muntik na manakawan sa sm fairview
- naadik sa japanese/ taiwanese dramas
- nanonood ng pbb :)

june
- asa uplb na ;(
- namimiss ang pisay at mga  taga-pisay

july
- namatay si nanay
- nagkaroon ng mga crush na walang kwenta
- na-feel na wala na

august
- kahit pano, nagkaron ng crush na may kwenta
- icebag 6
- nagkamali sa piniling kaibigan

september
- malungkot na birthday
- one year?  :P september 21
- ilocos trip! (eto na yung pinakamasaya sa lb ok? -_-")
- food fest
- bumalik sa pagiging adik sa mga asian dramas XD
- cheerdance competition
- sumunod na rin si lola bina :(

october
- gusto lumpit ng diliman
- pumunta ng up diliman, masaya :)
- start ng sem break

november
- wow nagreply haha. 
- umpisa ng second sem :(
- magagaling na teachers
- na-meet si aj, yung cute na bata sa bus :)

december
- christmas sa tabuk
- bagong crush haha dehh.
- nagtetext ulet, himala ;P

haynako. more than half pala ng 2006, hindi ako ganun kasaya :( mas ok pag nakikita kayo. hayhayhay.

pero sobrang dami kong natutunan. parang feeling ko bagong tao na ko talaga. hahaha. lalo sa last 3 months ko sa pisay, dun ko talaga na-feel na parang ayoko na muna umalis dun. hayy maraming salamat sa magagandang memories :D yii drama XP yak ayoko muna ng drama haha >_<

pero talaga, lahat naman nagbabago diba? pero yung memories, andiyan sila forever :)

sana maging ok naman yung 2007 para sating lahat ^_^

HAPPY NEW YEAR!! :)

* * *

bukas, makagawa nga ng resolutions. wenk. haha :))

*rl: family, lj: meme, *rl: pisay

Previous post Next post
Up