eee ♥_♥

Dec 07, 2006 15:16

maaga natapos class ko XD nagloloko yung atm ko, hindi tuloy ako makapag-withdraw :( pupunta kong robinson's mamaya. magiipon na ko ng onting christmas gifts :) para di ako magmamadali next time. haha. atsaka mabilis lang maubos ang pera so habang meron pa, kahit pakonti-konti mamimili na ko. bwahahaha >:D kaso, di ako marunong magtipid e. pag ako kasi may binigyan ng gift tas natuwa ako dun sa binigay ko, bibili rin ako ng para sa sarili ko O_O so ayun. wala akong matitipid >_<

* * *

nanonood ulit ako ng silence ngayon ♥ nakalimutan ko na na papanoorin ko pa pala to dapat :)) haha. ang gwapoooo ni vic. nyar.  maganda rin naman si park eun hye (okay  mukhang tanga si vic sa picture hehe XD) pero barbie xu fan talaga ako eh :)) wahahaha. ang cute cute nilang dalawa ♥♥

pag ako talaga nakahanap ng chen ling ko. hmp.

nakakailove ang boses ni zaizai ♥ mahal ko lahat ng tungkol sa kanya. ugh, well hindi lahat kasi smoker siya dati. pero dati naman yun ok? hindi na ngayon. haha.

bakit kasi hindi ako marunong mag-mandarin/ taiwanese/ chinese/ whatever. haha.

hmm. tinanggal pala sa youtube yung ilang mga japanese dramas -_-" or yung kay matsujun lang ata? wala na silang lahat dun. huhuhu T_T

* * *

kaninang eng2..

sir joey: yes marianne? you want to say something? you're my favorite this morning because of that thing.

:) sabay hawak dun sa chopstick na nakatusok sa buhok ko. haha. di ko alam pero parang gusto kong matunaw sa kahihiyan. o dahil kasi si sir vargas yun. every time pumapasok siya ng room sobrang nanginginig ako sa takot na ewan. kaya pag alam ko yung sagot sa mga tanong niya, pinipilit ko magrecite para di niya ko tawagin parati gaya kanina -_-"

hay. ayoko lagi pag natatapos ang english :( gusto ko laging eng2.♥ gusto ko ang tuesday at thursday. dahil chem at eng yun.

masaya ang eng. pramis. ♥

* * *

after eng2, nakayuko ako palabas kasi.. ewan ko XD feel ko lang XD tas katabi ko si alfred hihi ^^, tapostapos. tinawag niya ko tas natandaan niya yung pangalan ko! :)) tas tinanong niya kung nakakuha na ko nung kelangan para sa english kasi sa kanya iniwan ni sir e wala akong nakuha nung tuesday. tas ayun nag-usap kami tas andaldal niyaaaaa ♥ tas tinanong ko class niya, math1 daw. e math36 ako nun, sabi ko mauna na ko (sa ibang way kasi sha pupunta) e tas siya pala ung naweirdohan ata saken kasi sa ibang way ako dadaan? ewan basta ganun. tas sabi niya sabay na lang daw kami pumunta ng math building ♥♥♥ tas ayun, daldalan ulit. taga-new dorm pala sha tas prerog lang siya sa eng2. pinayagan kasi siya ni sir vargas kasi nakakaawa naman siya dahil 0 units yung asa form 5 niya nun. nag-4.00 kasi siya ng math17 (-_-" aww sayang siya) hindi pumapayag si sir magpaprerog pero dahil  mahal na mahal siya ni sir vargas , ayun. buti na lang. classmate ko siya :)) tas kasi natutuwa ako kasi nagkwekwento siya, hindi naman kami close XD pero basta, masaya lang ako ok.♥

17. cute. gwapo. super funny. madaling kausap. ok magdamit. hindi cheap. hmm. kaso bagsak ng math17? nyar. pero di ko alam sa ibang subjects. comsci course niya. PWEDE NA.

♥♥

masyado atang maraming hearts tong entry na to ha :))

nakasalubong ko si ralph kanina. nag-hi tas, wala na :( tsk. may super power ako. alam ko kung may pag-asa ako sa isang guy or wala. kay ralph, malamang wala. hahahaha.

kelangan ko na mag-"move on". yuck ang baduuuuuuuuuuuuy. hehe. pero yun nga. tama. dapat lang. kasi kung hindi ko pipilitin ang sarili ko na makalimot tas patuloy pa rin ako sa pag-iisip sa kanya. edi magiging ganun na forever, wala nang mangyayari saken, hindi na ko masaya, mag-aaksaya na lang ako ng masasaya dapat na oras sa buhay ko :P

kaya ngayon, humahanap ako ng mga bagay (at tao) na magiging pampalipas-oras ko para sumaya ako :) hahaha. tama.

* * *

sana magawa ni jm yung pinapagawa ko sa kanya T_T

* * *

gusto ko na maglaro ng fatal frame II ulet >_< kaso wala akong balak laruin yun mag-isa, madilim, gabi, etc. hindi ko kaya. wahahaha. pero gusto ko tapusin! O_O


   

namimiss ko na rin ang PS 1 dahil sa bust a groove. harvest moon. chocobo. crash. barbie. hello kitty. etc T_T


 


    


hayyy. natuwa sa pictures eh :))
pagpasensiyahan niyo na yung mga nilalaro ko ^_^ pang-3 years old :P pero pramis, itry niyo sila lalo yung harvest moon. mas enjoy siya sa tekken ok. haha :)) tas laban tayo sa bust a groove 1 and 2. BWAHAHAHA :D

* * *

btw, december 20 na daw christmas break namin! tas baka hindi january 2 pasukan, mas late pa! yeheeeeeeeeey!!! :D

* * *

^_^ pasensiya sa post. masyado lang ako masaya ♥
sana pala payagan ako sa icebag mamaya :D

pictures: random, adik, lablayp

Previous post Next post
Up