Dec 06, 2006 17:58
(...)oi seryosong usapan 'to ha. Sa totoo lang natatakot ako para sayo sa college hindi dahil sa kung anong iniisip mo... natatakot ako na baka sumuko ka kaagad sa napakaraming problemang haharapin mo sa college. Wag ka mag-alala... nandito lang ako lagi..... pero wag mo sanang asahan na laging merong susuporta sa'yo. Sapagkat the strongest man is he who journeys ALONE. But I will guide you through my prayers. GOD BLESS.
-amanel
tinitingnan ko kasi kagabi yung mga grad pics ng mga tao bago ko matulog.. kasi.. wala lang, senti ako :P haha. tas nadaanan ko yung dedication ni amanel tas sobrang natawa ko na ewan XD haha. nakakakaaliw kasi na sinabi niya yan :P kelangan ko nga yan ngayong mga araw na to :) masyado kasi akong depressed. wahahahahaha.
pero actually, nawawala rin naman si amanel. hindi siya nangagamusta man lang or something. baka nakalimot na rin.
gaya ng iba.
:(
* * *
di ako pumasok ng PE ngayon kasi tinatamad talaga ko.. tsktsktsk. tsaka gagawa pa ko ng eng2. :P
ayoko na makipag"sosyalan" sa mga tao. wala na kong interes sa kahit ano kelan lang. mas ok ata mag-isa. haha joke.
baka di rin ako makapunta sa birthday ni jasper. andami kong gagawin T_T kung pupunta si lily, makakapunta siguro ako.
nakakatamad palang gawin tong eng2. haha XD
* * *
in many ways, the single life is the simple life. if you're single, enjoy this time to take care of your needs. have fun answering to no one but yourself.
wahahaha tama tama :P
senti