hindi ako nagsasalita ng tapos :)

Jun 14, 2006 14:38


halos wala pang one week na nde ako nagbabasa ng entries ng mga tao tas andami na pala kaagad omygash. haha. nakakainggit nga eh, kasi nagsusulat na sila tungkol sa mga nangyari sa unang araw nila sa skul.. pero ok na rin palang andito ako sa bahay.. kahit na most of the time may hindi magandang nangyayari saken, ayus lang.. mahaba rin naman ang oras ko para magpalipas ng galit ko.. hahaha. hindi na ko nakakapagbasa ng mga libro ngayon >_< kung anuano kasi ang mga bagay na pinagkakaabalahan ko gaya ng computer. at tv.. at sims2. at pagtulog T_T

hehe :) yung mga taong tinanong ko kahapon, karamihan yung mga babae, sabi nila wala daw silang nakikitang cute. whoa. akala ko ako lang ang ganon, yung naghahanap ng mga bagong cute na pwedeng pagmasdan ;) pero sila rin pala =p hehehe. ayus lang yan, first day pa lang naman eh.. malamang nagtatago pa yung mga yun para nde sila habulin :P

andami ko pang kulang na gamit sa apartment >.< tsk. nauubos na ang oras ko. ampf. ilang araw na lang, aalis na ko.. pupunta ako dun ng 18.. kahit 20 pa ang pasukan ko >.< ayus lang ren dahil gagala na lang kami ni nikita.. joke :P

* * *
napag-isip-isip ko lang kung desido nga ba ko sa IE. tsk. dapat nag chem eng na lang ako eh. ginawa pa nila kong dpws tas gagawin rin naman nila kong IE e yun naman talaga yung nilagay ko-_-" anlabo ampf. kala ko kasi chem eng nila ako ipapasok eh.. tsk. sabi ni papa, mas madali daw mag-IE [pano nangyari yun e puro math kaya dun!] kasi walang board tas mas madali kang makakahanap ng trabaho.. e pag chem eng daw ngayon, ewan.. saka baka daw maging teacher lang ako..

sa totoo lang, simula nung bata pa ko, gusto ko na mag-teacher.. fine, alam kong hindi ganung kalaking pera ang makukuha ko sa pagiging teacher.. hindi ako makakakuha ng magandang pangalan na malamang e makukuha ng karamihan sa mga dating kabatch ko.. pero sa tingin ko, magandang trabaho yun dahil parang andami mong matutulungan kung magiging matinong teacher ka lang.. mas maalala ka ng mga tao eh. gaya na lang ni sir angeles at ni mam oblepias, parang never mo na sila makakalimutan e :) yun yung gusto ko talaga, yung may magawa akong something na never mabubura sa mga tao.. tsss. pero sa hirap ng buhay kasi ngayon, madaling sabihin yan, mahirap gawin. siguro nga importante ang pera.. pero once dumami pera ko, ha! magagawa ko na lahat ng gusto kong gawin at feeling ko napakasarap nun :)

"what's important was how much you could make yourself useful to others."

sige. tingnan na lang natin :P

* * *
gagawa na nga ako ng bagong site na ako na lang makakakita.. haha! XP nakakahiya minsan magsulat dito dahil alam kong may makakabasa -_-" so parang mada, nag-iingat ako sa mga sinasabi ko, so nde ko rin naman nabubuhos lahat >.< haha.

anlaki ng problema eh :P atsaka.. pag naadik ako sa ibang bagay at wala naman akong makwentuhan tungkol dun, nakakahiya rin

ilagay dito dahil tinatadtad ko ang lj ko ng puro ganun na lang ;) atsaka.. mahirap magsulat ng tungkol sa love life.. kahit wala ako

nun. hohoho^_^

last friday, nag-uusap kami ng tita ko.. tas sabi ni mommy sa kanya, "ate cora, sabi ni marianne gusto daw niyang maging kagaya mo.." shempre hiyang-hiya na naman ako >.< pero totoo naman eh.. matalino kasi sha, may magandang trabaho, naexperience maging teacher, nakatapos lahat ng mga kapatid niya sa magagandang schools [ate sha ng papa ko at 9 silang magkakapatid], may sariling bahay [at actually papagiba niya ngayon dahil papatayo ata sha ng bago], sasakyan at kung ano anong gamit at nakakapunta sa lahat ng mga lugar na gusto niyang puntahan.. pero, wala siyang pamilya-- as in asawa at anak. sabi ni mommy ulet ,"ayaw rin daw mag-asawa ni marianne e." napag-usapan na namin to ni mommy dati.. tas sabi ng tita ko, "mas mabuti pa rin kung may sariling family ka, pero kung feeling mo sagabal lang ang asawa sa pagtupad ng dreams mo, then it's up to you." yun yung lagi kong sinasabi kay mommy! sabi ni mommy, maganda raw ang may sariling pamilya. fine. sige siguro nga, lalo na kung magiging nanay ka.. pero kasi. ayokong maging housewife eh! gusto kong magtrabaho at magawa lahat ng gusto ko.. pero pag may pamilya ka, meron kang obligasyong alagaan sila.. anhirap naman hatiin ang oras mo at ang sarili mo sa pag-aalaga sa kanila.. feeling ko kasi, dapat nakaconcentrate ka sa isang bagay lang.. kung trabaho, trabaho.. kung pamilya mo, edi sila asikasuhin mo diba? pero kasi parang pag housewife ka, wala kang gagawin kundi pasiyahin yung pamilya mo at pagsilbihan sila.. so pano naman ako? kasi ang gusto ko, pag nagtratrabaho ako, gusto ko ring isupport yung family ko.. pero since hindi mo naman sila kelangang alagaan sila ng tutok, makakagalaw ka pa rin ng maayos. gets? haha. siguro gusto kong maging single na lang ng matagal. siguro mas ok yun. yung tipong mga 28-30 na ko mag-aasawa para naman marami na akong maaccomplish sa buhay ko.. pero may maghihintay naman kaya ng ganung katagal? haha.

isa pa, sabi ko sa mga ibang kaibigan ko, kaya kong sabihin na kaya kong mabuhay ng walang lalaki sa tabi ko.. [hindi yung lalaki as in yung member ng family ah. ah basta gets niyo na yun.]  kasi ok lang naman sakin ang walang boyfriend eh. enjoy naman akong panoorin ang mga kaibigan kong mainluv at makipagbreak at mag-iyakan sa mga boylets nila.. dehh. haha :D pero yun nga, kaya kong mabuhay sa mga lalaking napapanood ko lang sa tv at nababasa sa mga libro.. kaya gusto ko ng mga 'love stories' e.. nag-eenjoy ako sa iba-ibang mga kwento ng mga tao pagdating sa isang bagay na ang tawag ay pag-ibig.. haha! XP pero yun nga, siguro mas makakabuti sakin na wag isipin na lang ang mga ganyang bagay.. baka maging mas masaya pa ko :) napansin ko kasi, yung mga ibang single naman [pero magaganda't gwapo sila ha :D] e masayang-masaya ang buhay kahit wala silang boyfriend/girlfriend sa tabi nila.. diba? :) isa pa, masyado naman ata akong bata para jan.. wenk ;)

ang gusto ko lang sabihin e hindi ko naman kelangan ng lalaki para sumaya. dahil kaya ko namang pasiyahan ang sarili ko :) [owwws? ;) haha XP] atsaka may mga kaibigan naman ako eh.. haha :P ok na yun :)

pero hindi ako nagsasalita ng tapos. mahirap yun. malay natin, next week lang may boyfriend na ko diba? hahahaha joke :)) tingnan na lang rin natin >:) hehehe :D

* * *

tapos.

muni-muni, mood: emo, senti, adik, lablayp

Previous post Next post
Up