yeyy may internet card na kooooo! :) hoho. tapos ko na yung gokusen!! ♥_♥ actually nung friday pa :P dapat kasi uunti-untiin ko kaso nde rin ako makatiis ;)
OMYGAAAAAASH!!! hahahaha!! XP
ang cuuuuuuuuuuute :) :) sobrang sulit para saken yung series :) lalo na yung last two episodes. mababaw lang kasi luha ko.. so nakakaiyak talaga sha para saken :'(
tas yung last episode, nakakatawa.. kasi 45 minutes per cd.. so yung sa last na, 45 minutes din akong umiiyak!! haha! XP or hindi lang.. kasi after non, pumunta pa kong cr para ituloy yung iyak ko.. wakokoko. tas nung nanonood ko, kasama ko si mommy dun sa first 15 minutes nung last cd.. e naiiyak nga ko, tas inaasar pa ko.. sabi niya, "o bat iyak ka ng iyak? nakakaiyak ba yan? anong nangyari? bat sila sumisigaw?" blah, blah, blah.. tas sabi ko, "e nakakaiyak e! mommy wag mo nga kong istorbohin mamaya ka na, nanonood lang ako!" hahaha :D :D so ayun. nakakahiya talaga yung iyak ko.. with matching hagulgol pa.. haha! XP tas tinakpan ko na yung sarili ko ng unan e, tinanggal ba naman O_O
tas nung 40 minutes na, biglang dumating si papa! omg. e nakatulog na si mommy.. kaso nahihiya kasi akong buksan yung gate kasi nga namamaga yung mata ko.. may luha pa XD hehehe :) so ginising ko pa si mommy sabi ko sha na magbukas.. e malamang nde pumayag >.< so naghilamos pa muna ko.. hahahaha :D e tas nakaponytail ako, naglugay ako at tinakpan halos kalahati ng mukha ko para nde halata [doh. ala-sadako na ba ito..] at buti na lang nde napansin.. hehe.
astig yung ending!!!!!!!!! hahaha. kasi dati may nabasa ako na parang "bakit hindi naging sila [shin & yankumi]? ang cute pa naman nila tingnan." so parang ako, "ah ok fine :(" kasi nga naman, student tas teacher. haha O_O pero kasi naman, nde mukhang student si shin or nde mukhang teacher si yankumi ;) bagay kasi si jun matsumoto at si yuki nakama eh <3 hihihi ^_^ tas biglang.. OMG. hahahahahaha!!! :) :) kinikilig akoooooo :) okay na ko sa ending talaga :) kahit ganun. hehe. sobrang kilig kaya para saken.. para kong timang nung sinabi ni shin yun.. wahahaha. pinapalo ko ung sarili ko ng unan @_@ ahehehehe. ang cute kasi talaga ♥♥♥
a basta. naiyak ako. so huwat? korni kung korni. awwwwww :) hihihi ^_^ astig kasi talaga e. umiyak si uchiyama omg. tas yung scene na nilagpasan ni yankumi si shin tas pagpikit ni shin tumulo agad yung luha niya. waaaaaaaah ♥
shin and yankumi :)
yuki nakama and jun matsumoto :)
maganda talaga ang gokusen. naiyak ako at natawa at lahat na ;) nde naman sha love story, pero nagustuhan ko talaga.. aliw nga e,, di sha love story [pero sinusubaybayan ko si yankumi & shin ;)] pero dalang-dala ako.. tsk. haha XP nakakatuwa naman kasi talaga.. tas sabi ni mommy, "ano ba yan, parati naman atang ganyan yung pinapanood mo e" pano kasi lagi niyang naabutan na scene puro suntukan at away nila yankumi. hahaha. pero basta okay na okay :)
ayoko lang kay shinohara :( hehe >:)
3D!
cuties :)
at narealize ko na mas astig ang friendship ng mga lalake. mas solid sila e. hahaha :) kahit na nagsusuntukan at nag-aaway sila, pag nagkaayos na, ayos na talaga. di kagaya ng mga babae, kadalasan maaarte or nagtatanim ng sama ng loob. haha. yung tipong nagbati na kayo pero masama pa rin yung loob ng isa.. parang ganun. haha. tas may mga kilala kasi ako na once nagkagirlfriend na, iiwanan na yung barkada. yun yung naoobsebahan ko ah.. at feeling ko, pag lalake, MAS gagawin nila yung lahat para sa friend nila. mas matapang eh. kaya nga nakakaiyak si noda, uchi, minami, shin & kuma pramis. huhuhu T_T sana lalake na lang pala talaga ako.. wenk ;)
uchi
noda
minami
kuma
& shin
supra cute na yankumi :)
hay tama na nga! ;)
hay nako marianne, kahit kelan talaga mababaw ang kaligayahan mo ;)
okaaay. saya saya talga :) next na sa pila yung sayonara class 3D, special episode ata ng gokusen. wala ako nun eh. tas hana yori dango at kimi wa petto :) wala pa kasi akong mahanap nun eh :( at isa lang ang common sa mga yan. sa lahat ng yan, andun si jun matsumoto. hohohoho :) :) nakakainluv <3
mas mabuting aksayahin ko ang oras ko sa kanya kesa sa "totoong" mga lalake ;) achuchuchu :)
yun lang. hanggang ngayon may hangover pa ko eh. dehhhh. hahahaha XP buti na lang talaga binili ko.. hehehe :) at inuulit ko ulit ngayon :)
di ko pa rin makanta yung ending song.. anhirap eh -_-" haha XP
* * *
last saturday, namamaga yung mata ko.. tas tinatanong ko yung mga tao kung alin yung namamagang mata ko.. sabi nila, yung left daw.. si papa lang yung tumama.. kasi yung right talaga yung may topak.. ahehe! :D kasi, wala talagang folds yung eyelids ko, so.. ang nangyari, nagkaron yung right! haha XP so yun yung mukhang "normal" kasi lumaki talaga yung mata ko XD akala nila parang nanliliit daw yung isa.. doh. yun kaya yung tama.. hehe. sabi nga rin nila lily dati, mas bagay daw kasi saken yung "namamagang" mata, sana daw ganun na lang parati.. pero sana sabay yung dalawang mata para pantay.. wenk. ok lang naman kaso nga lang sobrang nakakailang O_O hehe. di pantay eh =p hahaha.
* * *
pasukan na talaga lahat ng tao kanina >_< huhuhuhu. ako na lang ang naiwang nabubulok dito.. pero ayos lang pala.. kasi ayoko pang pumasok! nag-eenjoy pa ko eh :) hehehe.
hay kainggit. sana asa up diliman na lang ako.. nyak. pinalayo nga ata talaga ko ni God sa mga pisay pipol.. bat kaya? :)
tinext ko lahat ng tao kanina.. nyak, di naman.. yung iba, good news yung sinabi.. yung iba, bad news :( huhu. pero isang tao lang ang nde nagreply. sha pa naman yung inaantay ko :(
kelangan ko na ng smart load!! ugh. at ng burner. at ng pandagdag sa memory ng pc namin :( at ng flip fone. dehhh ;)
dapat sumama ko kay mommy kanina! si michael daw yung nagdrive sa kanila papunta sa ospital.. waaaaah T_T pero pupunta naman ako dun kela lola bukas eh :) so makikita ko sha since araw-araw na sha andon dahil sha yung magiging computer teacher/ technician/cashier/driver ng mga estudyante ni tita susan :) :) sabi ko na nga ba dapat nag-apply akong tutor eh.. tsktsk. hahaha XP kelangang lubus-lubusin ang last week ng summer ko bago magcollege :)
gigising na nga ako ng maaga ;)
* * *
not trusting means that the other doesn't trust you either.