Oct 23, 2011 03:01
Mga tol. Pakibasa. haha.
Sa basketball, ang matalinong point guard, pag magaling ang bantay, lumalayo at pumapasa sa iba, sabay hahanap ng ibang pwesto para makuha yung bola, para makashoot o para ipasa sa kakamping kayang makashoot mula man sa malayo o malapit na distansya. pero kasabay nito, yung point guard nagiingat din sa tinatawag na 24 second schotclock, ito yung oras na ibibigay sayo para ishoot yung bola o ipasa ito para mashoot ng kakampi mo.ngayon, kung wala kang kakampi, subukan mong pumalag at pumiglas ng matindi para makawala sa hayok mong kalaban, tas iasinta mo, itira mo at maniwalang papasok yon, at kung pumasok yun, edi maganda, paghindi, tumakbo ka ng pilit sa bola, tas tumalon ka ng todo para makuha mo yung rebound, pag nakuha mo, swerte, ibato mo ulet papasok sa ring, pag hindi, malas talaga, walang iskor. Pero ganun talaga ang buhay, minsan nakakashoot, minsan hindi, pero kung may isang bagay na sigurado, yun ay yung meron kang kakampi, tuklad ng off-guard na laging handang itira ang bola para sayo, yung small forward na handang itulak ang laban hanggang sa huli, ung power forward na bibigyan ka ng lakas para ipagpatuloy mo yung laban, at ang sentro na magsisilbing poste ng iyong paninindigan at higit sa lahat, ang coach na gagabay at magtuturo sayo ng gawain mo sa laro.
Ngayon, alam ko na ang buhay ay higit na higit na higit na mas komplikado kaysa sa basketbol, pero madami rin silang pinagkapareho. Ikaw na bahalang magpangalan sa kakampi mo, ikaw rin ang bahala kung ipapasa mo o hindi, pero lagi mong tatandaan, walang naging kampyon sa laro ng buhay na nagiisa.
May mga ipinagbabawal din sa larong ito, tawag dito ay foul at violation, pagnagkaroon ka nito, lumalaki ang tsansang manalo ka at umiikli ang oras para makashoot ka. Kaya dapat, sa bawat dribble, bawat pasa at bawat tira mo, nagiingat ka, kundi, pwede kang maging sanhi ng sarili mong pagkatalo o kaya masipa ka pa sa laro.
Isa pa pala. Ang laro ay tumatagal lang ng halos limampung minuto, kaya kung gusto mong makashoot at manalo, subukan mong laruin ito sa paraang hindi ka magsisisi, sa paraang wala kang masisisi at sa paraang magiging masaya ka, manalo man o matalo.
Tanong, ititira mo ba, o ipapasa mo? Tandaan may time-outs ka, pero limitado lang sila, kaya gamitin mo ng mahusay.
Huling bagay, wag nyo ko masyado intindihin. Salamat.