(no subject)

Aug 03, 2011 04:04

Oras na naman nang galit at irita
Mga panahong walang nareresolba
Kulang na lang ang pamako at pamatong
Isara na't sunugin natin ang kabaong.

Sa pagbabasakali, maari pang umiwas
pag inisip, rason ay mauubos at kukupas
kaya pinipili nila na di na pansinin
mga bagay na mahalaga ngunit masama sa pangitain

Pero kung sa wakas lahat nakangiti
matuturing na tagumpay ang pinagdaanang pighati
at nagbunga ang pahihirap at mga sakripisyo
para sa 'sang bagay na ewan ko sayo.
-----------
tae. bitin pa.
Previous post Next post
Up