Bagong kabanata

Aug 17, 2008 03:07


Gosh, my first post after 10 years (exagerating again).

Well as I promised myself, I'll be writing this thing in my mother tongue.

Ngayon ay Martes at labing-dalawang araw na lang pasukan na naman. Grabe, this is really is it.

College here I come.

Hindi ko alam kung ano ang aasahan. Kamusta naman kaya ang mga bagong mukhang makikilala ko. Magawa ko kayang makisakay sa mga pagkatao nila. At sila sa akin? Magseseryoso ba ko sa pag-aaral o makukuntento na lamang ako sa pagiging mediocre. Apat na taon na lang din mula ngayon, magsisimula na ko sa totoong istorya ng buhay ko. Panalangin ko lang ay sana maikabit ko sa pangalan ko ang mga malalaking letrang R at N.

Pero matagal pa iyon at ayoko namang sayangin ang oras ko kakaisip sa mangyayari. Gustong kong lasapin ang bawat saya at lungkot ng umaga (at gabi) na handog ng Diyos sa buhay ko. Kaya heto ako ngayon, nagpapakadalubhasa pagsusulat. Kalahati sa bakasyon ko ay inilaan ko sa paggawa ng istorya sa kung anu-ano at kung sino-sino. Salamat na lang sa developers ng MS Word, internet at Fanfiction.net. Kayo ang nagbibigay kulay sa buhay ko.

Masasabi kong worthwhile naman ang bakasyon. Nakapahinga naman ako pagkatapos ng apat na taong kalbaryo sa highschool. At ngayon pabasa-basa na lang at panood-nood ng dvd. Buti na lamang ay naimbento ang libro. Recently lang bumili ako ng dalawang nagkakapalang nobela na tungkol sa patayan at krimen at hayun natapos ko ng isang araw at isang gabi. At kahit na malaking pagsasayang daw ng oras to sabi ni mother dear ay okay lang dahil marami akong natututunan.

Yun na lang muna, tinatamad na ko eh...
hahaha

Mata ne...

original date written: May 29, 2007

Previous post Next post
Up