Hayyyyy. Last day na pala ng review sa Friday :( Ayoko pa!!! Di bale, may refresher course pa sa June. Yun nalang ang iisipin ko...
Bagong conversations :)
Kahapon lang
*kakatapos lang nilang manood ng The Incredibles*
Ate Yna: Honey, gusto kong maging super!
Kuya: Hindi pwede, retired na tayo eh.
Conversations with the 'rents
*nagpapatugtog ako ng Sponge Cola sa kotse*
Ako: *sinasabayan* I don't remeeember who youuu are... I don't remeeember how we weeeeeere...
Dad: Ano ba yang music na yan!
Ma: Parang namimilipit na yung kumakanta (Si Yael daw, hindi ako)!
Ako: HMPH. HINDE AH!! Kesa naman parang pampatay na music ni Dad ang ipapatugtog. Pang-prusisyon!
Okay. ANG INIT NANAMAN. Bwisettttt. At dahil sa room lang ng parents ko may aircon, dun na kami natutulog. Oo, kaming lahat. Lima kame ah, take note. So kame ni Kuya sa mattress at si Ate sa... sofa. Sorry nalang, kase siya lang ang kasya pwede dun. :| Pero ang nakakaasar lang, eh mas mahirap nang makatulog ngayon. Kase tuwing papasok na ako dun para matulog, para talagang may konsiyerto. Naghihilikan ang tatay at kuya ko. Ang lakas. Huhuhu. Saklap. Lumalaki na tuloy ang eye bags ko. Kaya talaga ayaw ko ng summer eh.
Kumanta si Bo ng One Tree Hill song kagabi (I Don't Want To Be by Gavin DeGraw) *nabaliw*. Tapos Constantine TRIED to sing Nickelback. Boo. Puro performance lang siya. Sa voice nagkulang. Artista kase eh (sorry Con fans, di ko siya gusto eh). Eh ayun, alam ko na rin kung sinong natanggal. Punta kayo
dito kung gusto niyong malaman. KUNG gusto niyo lang ah.
Nga pala, sabi ni Caren nakita daw niya si RAIMUND MARASIGAN nung Saturday!!!!! Waaaaaaaaaah!!! At malapit lang daw sa kanila nakatira!!!! Waaaaah!!! Lucky duck!!!!!!!