Pope post

Apr 21, 2005 14:54

    

Siya ang bago nating Pope. Si Pope Benedict XVI, formerly Cardinal Joseph Ratzinger. Para sa mga may hindi alam, na-elect siyang Pope after 2 days ng conclave at 4 na voting. Hindi pa ako sanay na tawagin siyang Pope, kase nung pinanganak ako si John Paul II na ang Pope naten. Hay. Marami ding nagsasabing hindi siya mukhang Pope. Kase nga, halos buong buhay naten, nasanay na nga tayo na ang Pope eh yung parang mga lolo naten. Maamo ang mukha. Cute. Hehe :) Siguro kaya siya na-elect kase ang plano ni God eh ipagpatuloy ang mga sinimulan ni John Paul II. At kahit ibang-iba at mas traditional siya sa mas nauna sa kanya, sa tingin ko magiging okay parin. Pero still, mamimiss ko si Pope John Paul II :( Ayun.

Nanonood ba kayo ng American Idol? Wala lang. Kase yung episode kagabi? ANG GANDA! Ang galing nila. Pero ang idol na pinaka na-amaze ako ay ang paborito ko, si Bo Bice. Grabe. Yung performance niya blew me away. Para kaseng nafeel talaga niya yung kanta. Waaaaaah!! I swear, ang galing niya talaga. Siguro pag naglabas na siya ng album niya, bibili ako ng isang dosena (kung may pera). No joke. :D

Haaay. Pagkatapos ng session bukas, 3 days nalang at matatapos na ang review classes. Nakakalungkot :( Ang dami ko na kaseng nameet na tao. Tapos masayang kasama ang ibang Liobans. Kahapon nga eh class picture-taking. Nagkataon si Sir Warren yung teacher namin nung mga oras na yun kaya siya ang nasama sa picture. Tuloy, mukhang siya yung adviser namen. Hehe. Ayus lang, paborito ko naman siya. Ang takot ko lang dun sa picture na yun eh baka mukha akong tanga at nakapikit. Sadyang malakas kasi ang flash nung lintek na camera na yun eh. Waaah. Ewan ko ba kung baket hindi ako marnunong ngumiti sa mga piktyur. Eh sinasabi naman ng mga tao maganda akong ngumiti (mga pambobola!!!) pero pagdating sa piktyur-piktyur, ayan wala na. Haaaaay. Ipagdasal niyo nalang na matino ang pagmumukha ko doon!
Previous post Next post
Up