Panpic Prablem

Feb 12, 2014 16:14


Three days ago, humingi ako ng kopya ng Sugiru Setsuna.

Kahapon ko lang sya napakinggan dahil kahapon lang ako nagkaroon ng maganda-gandang internet connection. Kahit na may kaunting autotune, "oh oh oh" para humaba ang kanta, nagustuhan ko naman. Kung nagtataka ka kung bakit ko to bina-blog...

Hindi ko rin alam.

Hindi ako fan ng JUMP pero gusto ko ang BEST. At nagsusulat ako ng tagalog fic ng idol group kaya hiningi ko for reference. Wala pa kong balak i-update yung tagalog fic dahil hindi pa dumadating yung inorder kong magazine, nakakawalang gana magsulat pag wala pa yun. Pero kanina... habang nakikinig ng Sugiru Setsuna, at kabisado ko na agad yung lyrics, nagmamadaling humanap ako ng ballpen at notebook para isulat yung last part ng fic.

Pagkatapos ng isang taon at ilang buwan... may maisusulat na rin akong last part.

Matagal ko nang iniisip kung pano ko tatapusin yung TRAFFIC dahil naisip kong, ang haba-haba kong sinusulat tapos, hindi naman pala sila magkakatuluyan baka sampal-sampalin ako nung mga nagbabasa. Kaya bukod sa naghahanap ako ng solusyon sa lame na cannot be ang idoru at fangirl, nahanap ko ang sagot sa Sugiru Setsuna.

Nagbabasa ba ng Traffic yung nag-sulat ng lyrics nun?

Bakit saktong-sakto?

Ang problema ko ngayon, pano ko ilalagay sa sitwasyon na yun yung mismong fic?

random, traffic fanfic, language: tagalog

Previous post Next post
Up