"Bakit gwapo si Yabu sa paningin mong malabo?"

Jan 30, 2014 02:24


Actually, hindi ko naman talaga ichiban 'tong lalaki na 'to. Nagtatalo lang kami ng 'heroine' ko sa tagalog fic kong 'TRAFFIC'. Hamak namang mas gwapo si Yabu kesa sa bago nyang ichiban.



"Until the end of time, my everything..."
(sabi nya kasi, maglagay ako ng quote sa umpisa ng essay)



Gwapo si Yabu sa paningin kong malabo dahil uso ang kantang CHINITO. Natutuwa ako pag kinakanta ko yung part na, "Kapag ikaw ay nakatawa, ako pa ba ay nakikita...", sya kaagad ang pumapasok sa utak ko na naka-todo smile. Kung hindi uso yung kantang Chinito, e magagwapuhan pa rin ako sa kanya. Ang kyut kyut kayang ngumiti ni Yabu. Nakakahawa.



Nunal. Aminin... kahit saan ka tumingin, may nunal si Yabu. Wag ka nga lang titingin sa mga over-photoshopped na magazine scans o sa Potato. Kung hindi pa masyadong nasusunog ng radiation ang memory ko, may pitong nunal sa mukha nya at ilan sa leeg nya. Importante sakin ang part na to dahil favorite ko talagang magbilang ng nunal sa mga mukha ng idols. Kahit sa katawan, kung may pagkakataon. At may nunal si Yabu sa... katawan.
.

Yung manly aura ni Yabu. Lakas makagwapo nung mga pappapics na talaga isnobero yung itsura nya. Nakakunot ang noo, naka-cap, shades, may hawak na cola sa isang kamay, may nakasabit na plastic ng fastfood sa braso habang nagpupunas ng lips gamit ang hinlalaki. O yung mga may-kausap-lang-sa-cellphone shots. Isama ko na yung pinaka-cover ng LONG INTERVIEW nya sa Myojo. Impernes, gwapo sya dun.



Marunong tumugtog ng instrument. Nakakagwapo ang marunong tumugtog ng instrument. Kahit anong intrument. Nag-gigitara si Yabu, bukod sa ribs nya. Nakakagwapo ang talent. IDOL sya. GWAPO SYA. PERIOD.

Minsan, hindi naman yung individual looks ang pinagbabasehan ko kaya ko natawag na gwapo si Yabu. Dahil kung individual kagwapuhan lang din ang pag-uusapan... e pinakamaganda talaga si Inoo Kei. Pretty face, milky white skin, pouty lips, small hips, no boobs, definitely, a girl within Johnny's.



Kung may point man itong ipinaglalaban ko, yun e binili mo yung Bidan dahil may part sya, binili mo yung Myojo para sa interview nya at mas gwapo sya kay Fuma.



I'm so done with this!

Nagrereklamo kasi akong walang maisulat sa bagong ayos kong journal kaya... pinatulan ko to. lol. sorry. not sorry.

random, yabu kota, language: tagalog

Next post
Up