Ako'y nagbabalik sa mundo ng Tag Fic. xDD
Andami talagang issues ngayon kay Yamadaaaaa. Naiinis ako. Gusto ko na nga mag switch kay Chinen kaso ayaw ng puso't isip ko HAHAHA.
Kahit ganyon Leche lakas ng tama ko sa matabang yon. Shet. Tama na ang drama ko . xDD
Titulo: Ulan
May Akda:
nodoka06 Labtim: YamaChii at wala ng iba.
Bilang: 913
Gendre: Malandi at medyo badudels
MTRCB: Gee gee gee gee baby baby baby
Buod: Ang kwento sa likod ng mga pag ulan.
Matindi na nga ata ang Global Warming. Ang kulit kasi ni Yama-chan,sinabi na kasing bawas bawasan nia pag papaka hot nia at dumadagdag sya sa Global warming, ayan pati tuloy kami ,lahat tayo napeperwisyo. Aaraw uulan, aaraw ,uulan. Monthsary at anniversary naming dalawa kung hindi inuulan, binabagyo,lagi na lang ganyan. Just like the last bagyo, si Juan ba eun? 3rd anniversary kaya namin nun. Kilig naman kayo kasi alam nyo na kelan ko sya sinagot lol.
Blessings ba yun mula kay Bro? Sabi kasi ni Ryosuke kaya daw yun nangyayari kasi natutuwa si Bro sa 1 buwan na nadagdag sa matamis na pagsasamahan naming 2, luha daw ni Bro yung ulan, tears of joy daw kumbaga. Minsan nga niloloko na kami sa school eh, kapag bisperas ng mansari/anibersari namin, sasabihin nila, "Oi mga classmates, bukas mansari ng YamaChii, don't forget to bring your umbrellas ha? :D", hay nako si Mirai nagpasimula nyan kaya ayon, buwan buwan may nagpapa alala sa kanila na magdala ng payong. Tapos ayun, kinabukasan uulan nga..Kaya nga sabi ko kay Mirai mag apply na syang weather forecaster sa PAG-ASA .
Nakakainis din, kasi di ba mansari nga, syempre magyaya ng date si taba, eh lam nyo naman yun gusto sa mga open air at may sea breeze para daw romantic, kaso nga wrong timing lagi ulan eh,paano kung nasa may dagat kami at nagka tsunami? Maya maging salbabida pa nian si Ryosuke para lang masave ako.
Hindi ko talaga maforget si Juan. Tambay kasi ako sa bahay ni Ryosuke tapos nung pauwi na ko saka bumuhos ang ulan. Ankulit ko naman kasi , sinabi na sa TV Na may papasok na bagyo, sumige pa ko. Eh anibersari nga eh, alanga namang di ko pagbigyan baboyfrend ko.
Eh di yun no, ayaw nia ko pauwiin kasi nga nabagyo, ankulit nyo din no, pag mejo mahina na daw saka nia ko hahatid sa amin, hanggang maya maya, sabi ng mga kapitbahay nila baha na sa kalsada, eh di mas lalo akong na stranded sa bahay nila. Okay lang, kahit forever pa ko sa hauz nila basta sya kasama ko. HAHA lande.
Si mudra worried na kaya nagtext, reply naman ako na kila ryobabes muna ako magsstay for good hanggang sa tumila ang ulan, so baka mga bukas na ng umaga kasi gabi na nun. Pumayag naman sila syempre ikaw kaya magkaroon ng anak na boyfriend si Yamada Ryosuke, hindi ka ba matutuwa? Maganda na lahi namin pero mas maganda kung papagandahin nya pa di ba? Saka may trust naman sila kay Ryosuke at may trust din ako sa kanya.XD
Nakakatuwa talaga sa room nya kasi ang cute ng ilaw kulay orange kaso bastusin nun Meralco biglang nag brown out, e di ba nga gabi, ayun takot na takot si Ryosuke, kung makayakap sakin putang ina kaginaw pa naman nun bigla akong nag init kapal kasi ng taba/muscles nia. Biglang dating namin ng Ate niang mas boyish pa sa kanya na may dalang candles, hindi ko na tuloy natuloy yung balak kong ano ...
Takutin sya kasi nga may ilaw na. Natuwa ulit ako kasi infairness medyo kakulay nung candle light yung room light nya. Pero kahit may liwanag na higpit pa din ng yakap sa kin, tang ina chansing jk, okay lang kilig naman. XD
kinabukasan, wala na atang bagyo. Maaraw na kasi ulit,naglilinis na lang ng kalsada mga neighborhood nya. Tapos si Manong Jyani walang atang awa, katatapos lang ng bagyo gusto agad kami papuntahin sa work. Eh di otw kami kagad sa agency sakay ng ford nila Yama-chan with his driver, nung malapit na kami biglang na flat yung gulong sa likod, bigat kasi ata ni Ryosuke eh, kaya dahil malapit na naman maglakad na lang daw kami,natataranta na kasi si Ryosuke at panay text ni tanda kung asan na daw kami at kami na lang wala. Pinasan nya ko kasi maputik ayaw nia daw madumihan prinsesa nya.Naks, kaya sumige naman ako sa offer nya,answeet kasi di ba. Lakad lakad lakad , hanggang sa ligwak... may malambot na lupang natapakan si Ryosuke, medyo lumubog nga sya e syempre mabigat, muntik na din kaming madulas pero buti na lang magaling sya mag balance. Thanks sa J-board.XD
Nung nakarating na kami sa agency, juskupong strawberry, ang sahig puro may footprints ni Ryolabs, eh si Jyani naman may kasalanan nun e, alam ng maputik pa eh, baka gusto nilang masampal ng walang sa oras pag pinagalitan nila boyprend ko gawa ng footprints nya. Kung tutuusin nga si Ryosuke pa ang naagrabyado kasi umalis kami white pa yung boots nya, pag dating namin dun brown na. At sa sobrang kapal ng putik sa boots nya pde na nga akong gumawa ng palayok eh tapos ukit ko na rin names namin, tapos extra gift ko na rin yun for our anniversary the day before.
Tapos malalaman namin kaya pala kami pinatawag kasi naghanda sila para sa anibersaryo namin, nalate nga lang daw kasi binagyo . Hindi ko alam kung matutuwa ako or maiinis ako or kung ano kasi di ba pwde naman nilang ipadala na lang yung pag kain sa bahay, .. pero naisip ko pare pareho lang kaming sumilong sa putikan (excuse me, sila lang pala), saka nag effort talaga sila sa anniversary namin. Na touch naman ako kasi well appreciated ng buong JE ang wagas naming pag mamahal, naks badudels ko naman.Saka nakita ko naman na masaya si Ryosuke nun at madaming pagkain, kaya happy na rin me, si Chinen Yuri. :DDD
Titulo: Ang Echuserang DJ
May Akda:
nodoka06 Labtim: YamaChii na sinawsawan ng YamaShi, UmiChii at ng konting NakaShi
Bilang: 1 164
MTRCB: Menor De Edad
Gendre: Kadramahan kuno nila sa Buhay + Landiian
Buod: Alam ng DJ sa party kung ano ang team song ng YamaChii.
Kamustaaa??
Nandito na naman ako, si Chinen Yuri, at muli iuupdate ko kayo sa mga kalandian at kadramahan namin ni Ryosuke sa buhay.
Dahil nag simula na ang 2nd sem, mag Acquaintance Party daw ulit kami. Ganyan kami sa Horikoshi laging may Party Party~
Hay nako, ang lakas ng topak ni Ryosuke nun, pinagseselos ata ako, nagselos naman ako.Kasi ganito yun, ang dami dami munang che che bureche bago nagsimula yung party, hindi na naawa sa boyfriend ko alam ng madaming buwaya sa tyan eh ayaw pang simulan ang kainan tapos nung nakakain na, nasapian na ata ng kung sinong masamang ispiritu. Nagpunta lang ako nun sa CR (Chinen Ryosuke?? jk) kasi ang dami kong nainom na strawberry juice (pink kasi eh, hindi ko napigil). Ayun pagbalik ko, nagsimula na silang magsayaw ng Sweet, eeew ang badudels. Babalik na sana ako ng table namin pero itong si tabachoy si Mirai ang niyayang isayaw , sumama naman ang loka, kaya kami ni Yuto napanganga >:0
Hayop di ba? Ako ang syota nya pero iba ang sinayaw. Okay lang naman makipag sayaw sya iba hindi naman ako madamot kaso ang gusto ko ako ang persdans nya sa parti . . e kaso hindi eh. Ngunit sapagkat datapwat, nung oras na yun ramdam na ramdam ko at nakita ko na alam at nakita nya ko ng niyaya nya si Mirai. Nanadya lang talaga yung baboy na yun, desperado lang talagang pagselosin ako. Selos naman ako ng selos, sige na nanalo na sya.
Natawa lang ako kasi biglang nag change music naging " Unfaithful" HAHA San ka pa, puwede na palang pang sweet dance ang kanta ni Rihanna. Feeling ko isang dakilang YamaChii fan yung DJ at nung nakita ang pagtataksil ni Ryosuke pinatamaan niya ang mga bebefats nito. Nagtinginan tuloy sa kanila ang mga madlang people. Alam naman kasi ng buong school at ng buong mundo ang relasyon namin tapos me ganong eksena? Makapal lang talaga ang mga taba nya sa katawan at sabi ko nga kanina ,desperado sya. Ewan ko ba kung bakit gusto gusto nya kong pagselosin, hindi pa nga ako nakakarecover sa ginawa nya sakin sa YAYM pati sa Jacket Shooting eh. Makakaganti din ako sayo Ryosuke, itaga mo sa fatsss mo. And share~ nakagawa ako ng ver. ko ng Unfaithful nung time na yun sa sobrang inis at selos ko. Ganto yun .. *Ehemehem* 'and I know that he knows i'll be jealous & it'll kills me inside, to see that he's dancing with that Shida Mirai ... i can see him grinning..' BADUDELS~
nagpapaka emo na ko ng biglang lumapit si Shougo, ayun chini-cheer up nya ako, para nga syang timang kasi sinabihan nya ko ng " Ganba-chii " in a way nakatulad ng Yoroshiku ni Minami Megumi inshort ni Mirai din. Kakasama nya kay Kamiki ayan mukhang nahawa na sya pero ankyuuut ni Shougo nung ginawa nya yun. Gusto ko pa ngang paulit kaso na shy ako (akalain nyo). Sabi nya pa, kung alam ko daw na pinagseselos lang ako ni Ryosuke dapat lumaban ako, gumanti daw ako. In addition sa sinabi nya, may mas laban daw ako kasi daw mostly girls lang ang nagkakagusto kay Ryosuke (eh ano pala ako ha Shougo?) samantalang sakin daw girl, boy, bakla,tomboy, butiki, BABOY(<-tapul) ang naiinlab sa ganda ko tapos sabay ngiti ng maganda ni Shougo. Hay nako Shougo ALAM KO ANG NGITING YAN. Wag kang mag alala hindi kita isusumbong. Kaya ayun oras na ng aking paghihiganti, ini-scan ko ang surroundings at hinahanap ko si mareng Umika. Kaya pala hindi ko sya makita kasi nasa may likuran sya ni Yuto na panay inom ng juice akala mo naman malalasing sya non.
Niyaya ko si girl, sumama naman syempre we are sisters noh. Pumunta na kaming dance flr at dun talaga kami sa tabi nila Mirai pumuesto. Matira matibay, bakit sya naman nagsimula. Ang chaka talaga ng DJ ang next na song ba naman ay Fixing a Broken Heart. . Excuse Me hindi ako broken , nagseselos lang. But anyway, Mission Accomplished. Selos na selos ang dyowabels ko,mas masidhi pa sa paninibugho ko. Eh kasi naglalakad palang kami ni Umika ansama na ng tingin nya, lalo na ng pumwesto kami sa tabi nila, umuusok lahat ng butas nya sa mukha sa selos. Gagawa gawa sya ng palabas tapos pag kinalaban sya galit na galit sya. Sya lang ba ang may karapatang gumawa ng lantarang pagtataksil? Wala pa nga yun sa 1/32 ng paghihiganti ko sakanya. Nakita ko nga din reaksyon ni Mirai, mukang natakot kay Ryosuke kaya to the rescue na boyfriend nya. Habang kami ni Umika tuloy lang sa pagsasayaw tapos maya maya inagaw nya na ko kay Umika. Ampota kinikilig na ko kaso dapat pigilan kundi matatalo ako sa tabachoy na yon kaya sabi ko,
" Ano ba Ryosuke , kita mo ng nagsasayaw kami ni Umi-chan bastusin ka naman eh."
Napalag palag pa ko nyan kaso mahigpit hawak nya sakin para ngang wala lang yung palag ko sa kanya tapos sabi nya, " So ano Yuri, pinagpapalit mo na ko kay Umika, ganun?" mangilid-ngilid na luha ni Ryosuke grabe mangonsensya kala mo kung sinong inosente.Sabi ko naman " ikaw nga si Mirai sinayaw mo tapos kung hindi pa ata kami umeksena ni Umika at hindi ka nag usok sa selos at hindi umalis si Mirai hindi mo kami papaki alaman ni Umika eh."
"So, nagseselos ka?"
" Hindi ba obvious?"
" Kaya gumanti ka??"
" Of course, dahil alam kong mas magseselos ka"
Napangiti na lang sya ng napaka landi at sabay sabi ng "Gomen". Ay mahabaging Neptune, sigurado na ko na isa talagang dakilang YamaChii fan yung DJ, saktong sakto kasi pagka ngiti ni Ryosuke, pinatugtog nya ung Ngiti, eh yun kaya yung team song namin. Paano kasi sabi ni Ryosuke nahuhumaling daw sya sa mga ngiti ko, saka nakakalimutan nya daw lahat ng negative things once na nginitian ko sya, as well sa akin , ganun din. Nawawala yung sumpong ko pag nginingitian nya ko katulad na lang nung nangyari yung sa party.Pagtapos nyang mag sorry at ngumiti nakalimutan na namin ang mga selosan moments(pati nga si Umika nakalimutan ko ng balikan eh.Gomen sis~) at pagtapos ay gumawa na kami ng sarili naming moments. The what so called YamaChii moments.
Hindi na nga kami nakaalis nun sa gitna eh talagang dinamdam namin ang pagiging Sweet kahit badudels nung mga love songs. Niloloko nga kami ni Yuto kasi sa sobrang tagal na daw naming nakatayo baka tumangkad na kami at malagpasan na namin sya. Hanggang sa dumating na yung midnight snacks na may kasamang strawberry dessert, akala ko katapusan na ng sayaw namin kasi may foods na at may strawberries pa. Pero hindi nya talaga ako iniwan till the end, nabawi lang daw kasi sya sa kin saka di naman daw sya mauubusan at may kanya kanya kaming food stab. Mamatay na daw kumain ng kanya, impachuhin daw sana.
Hay nako Yamada Ryosuke, kahit ganyan ka super looooves kita. <3