Sep 13, 2008 10:32
nakakapagod ang linggong ito. pero sobrang sulit naman dahil maraming nangyari at maraming naranasan na magagandang bagay.
Biyernes
bago magtungo sa praktis kina Angge, nakatanggap ako ng text mula kay Elaine na may job opening sa ABS CBN Publishing. at nagkataon na ito ay para sa MYX Magazine kaya sinabi niya sa akin "I order you" at nag-apply ora mismo. sobrang bara-bara lang ang application letter ko at ang pag-edit ng resume. kaya't pinadala ko ito ng walang inaasahan.
Sabado - Lunes
El Laberinto de la Verdad. tuloy-tuloy. trabaho ng 12 hours or more straight. napupuyat pa dahil sa mga pinapabago at mga pinapa-edit. prod, prod, prod. halos nakalimutan ko na nga na nag-apply ako. haha. nung pag-uwi ko ng gabi, nakausap ko si Elaine at nakita na daw ng boss niya ang resume ko. nice daw. haha. kaya't baka i-sked na ako ng interview anytime. kinabahan ako kaya parang di na rin ako mapakali.
Martes
bago mag-start ang first show ng last day ng play, may nag-text sa akin. pumunta daw ako sa ABS ng 2pm para sa interview. okay. ang puso ko parang drums. haha. first time kong ma-interview anywhere at sa isang malaking company pa. kaya't kabado ako. hindi ako nakatulog ng maayos at di ko mawari ang gagawin ko.
Miyerkules
bumabagyo. kailangan pang mag-ayos. may gig sa gabi. gulong-gulo ang utak ko. at meron pa akong wardrobe malfunction. bukod pa dun, baha sa Magallanes at sobrang malakas ang ulan. as in maririnig yung iyak ng hangin sa MRT. wala akong choice kundi lumusong dahil wala akong pupuntahan e. dumating naman ako on time pero basang-basa. kaya't pag-akyat ko, nangangatog ang buong katawan ko, di lang sa kaba, pati na sa sobrang lamig sa loob. dami ko pang palpak pagpasok. naligaw ako sa 4th floor. blue ballpen sa dapat black ink lang ang gagamitin. nangangatog na panga sa interview. at walang dalang portfolio. pero ayus lang.
ang nag-interview sa akin na si Ms. Marj, sobrang friendly at naging casual lang ang interview namin. second interview ko na dapat din after nung interview ko kaso busy si Sir Andre Alvarez (MYX Mag EIC at Channel Head lang naman!) nung time na yun kaya 2nd interview ko the next day. konting chika lang with Elaine, balik LB na naman ako at nag-acoustic night. pero napuyat pa ako dahil sa portfolio.
Huwebes
tumungo muna ako sa boarding house ng kapatid ko sa UP Diliman para manghirapam ng damit. ayan. medyo okay na ang hitsura ko pagdating ng ABS. nagkaloka-loka pa sa reception dahil di alam kung saan ako papupuntahin. gawa ng ang MYX ay cable channel na may magazine. magkaibang floors yun. kaya kalurky lang. pero ayus na rin dahil pag-akyat na pag-akyat ko, diretso interview kasama ang isa pang kasama na nag-aapply din sa position ko. Atenista. haha. kinabahan naman me. lalo na nung pagpasok ko, tatlong tao sila sa harap ko. si Klara ang Associate Editor, si Sir Andre, EIC, at si Sir Ipe, Business Manager.
tanong tanong tanong. daming tanong. pero ang pinakanakakakaba ay nung tinanong ako ng: DO YOU READ MYX MAGAZINE? ang sabi ko, hindi dahil wala namang nagbebenta nun dito sa LB. at nag-away sila. haha. kulang daw sa kung anu-ano. hala! naging cause pa ako ng away! pero di bale. mukha namang okay ang aming interview. at naloka din ako sa tasks na gagawin ng isang EA. di ko nga naintindihan yung iba e. i walked out of the room holding on to their "we'll get back to you asap.". okay. the waiting game begun.
Biyernes
umaga na, wala pa rin. hapon na, wala pa rin. tumambay na lang ako sa shop nila Elaine sa ABS. may raket din kasi ako with Chalk Mag sa UP Diliman. kaya't dun muna ako habang may natutulog sa plantsahan. hehehehe. habang naglalaro sa phone ko, may tumawag.
Hi Charet. This is Marj. Okay ka na daw sabi ni Sir Andre. So you'll start siguro on October for the December issue. Tawagan na lang kita ulit para ma-update kita. Dala ka lang ng 1x1 picture at photocopy ng valid ID. Thanks.
ang nasagot ko lang ay panay opo at thank you sa huli. halos malaglag ako sa upuan ko nun. haha. at nagpatuloy ang buhay. may raket pa ko. hehe.
kailangan kong hanapin si Calde (bassist of Chicosci lang naman!) para dun sa aking trabaho. at ayun text ko siya, meet kami, at kuha na ng kuha. maya-maya, dumating si Sir Ipe. na-recognize niya ako at pinakilala na ako sa mga "officemates" ko. nalurky lang si Calde kasi magkakatrabaho na pala talaga kami, di niya alam. kaya't winelcome niya ako sa isang apir! hehe. pwede na nga raw akong mag-start e kahit wala pang appointment para lang magamay ko yung trabaho. ayus yun!
masaya ang pag-shoot ko! daming nangyari. lalo na ang free concert with Callalily at Rivermaya! gig pics galore! haaay! itinalon ko at ikinanta ang aking tuwa. what a day talaga. kahit pagod, masaya naman ako. :D
ang tasks ko bilang Editorial Assistant ay pareho lang din nung kay Elaine. ang pinagkaiba lang, hindi 9-6 ang trabaho ko dahil may gigs pang involved na gabi hanggang umaga na ang schedule at lahat ng MYX related activities, ay kasama kami. gaya nga ng sabi ni Sir Andre, i am now a part of the big MYX family. :D
salamat kay Lord dahil sa mga blessings na dating lang ng dating.
salamat kay Elaine sa lahat ng opportunities at sa pag-welcome sa akin sa kanilang tahanan.
salamat sa lahat ng nagbigay ng suporta gaya nila Jena, Reza, Mildred, Mikko, Thea, Meryl, at marami pang iba.
salamat kina Klara, Sir Andre, Sir Ipe, Ms. Marj sa pagtitiwala.
haay. lutang pa rin ako. pero masaya ako dahil dito. banda. banda. banda. at the same time, marami akong matututunan at kumikita. :)
it's official.
Team Kapamilya na ko! (Yeah yeah yeah!)