gusto ko ung ibon

Jul 15, 2004 00:06

Isang babae ang naglalakad sa may bangketa ng makita
nya sa harapan ng Pet Store ang isang loro.
"Miss ang pangit, pangit mo !", sabi ng loro sa babae.
Nagalit ang babae, ngunit pinabayaan nya na lang ang
loro at itinuloy na lang ang lakad nya papasok sa
kanyang opisina.

Sa kanyang pag-uwi, nakita na naman nya ang loro at
muli sinabi sa kanya: "Miss ang pangit, pangit mo
talaga!"; talagang naiirita na sya; pero deadma lang sya.

Nang sumunod na araw, ang loro na naman:
"Miss, talagang super pangit ka!" Sobrang inis na ng babae
kaya pumasok sya sa loob ng pet shop at sinabihan ang
may-ari na kung hindi titigil ang ibon ng kasasabi sa
kanya ng pangit ay idedemanda nya ang store at
papatayin ang ibon. Nangako naman ang may-ari na
sisiguraduhin nyang hindi na magsasalita ulit ang loro
ng pangit.

Nang muling dumaan ang babae pauwi sa kanyang trabaho
tinawag sya ng loro: "Psst Miss..."
Sumagot sya: "Bakit?"
Eh pakindat pang sumagot ang loro: "Alam mo na".
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
SAVE THE IBON!
I'LL TAKE HIM!!!!
GIMME GIMME!

tagalog

Previous post Next post
Up