Sa mga hindi pa nakakaalam, sumama ako sa "promo" ni
Gibbs Cadiz (tour ng PETA Theater Center at libreng panonood ng Batang Rizal). Bilang kapalit nun, kailangang mag-blog kami tungkol sa karanasan, at ang susunod na entry ang naisulat ko. Mas sabaw ang utak ko lately, kaya di ko na kinayang mag-seryoso at magpormal-pormalan masyado... pero naubos ko pa rin ang lahat ng nakareserba kong English powers hanggang year 2009. Oh well, basta magsulat lang naman eh. So yun. Para lang hindi kayo mabigla na may Emglish na entry. hehehe