I survived...

Jun 03, 2007 01:40

the Star Movies Star Wars 30th Anniversary Marathon!

Mula 12 nn hanggang mga 1:15 am, pinanood ko nang sunud-sunod ang Episodes 1-6. Grabe, mahigit labintatlong oras yun ng buhay ko na hindi ko na mababawi... pero ayos lang! True, may mga na-miss ako (dahil siyempre kailangan ko ring kumain, magbanyo at maligo... at dahil nakatulog ako sa bandang gitna ng Episode 3 ---> note to self: sa susunod, sa video na lang panoorin para puwedeng i-pause), pero kahit na nakakawindang siya, may kakaibang sense of fulfillment (oo, ganito ako kababaw). Siguro nag-enjoy ako dahil hindi ko na nilagyan ng pressure ang sarili ko na talagang sundan ang kuwento (kasi basically, alam ko na naman). As a result, may mga napansin akong detalye na nakapagdulot sa akin ng aliw (oo, geek ako), mas na-appreciate ko yung visuals, at mas naramdaman ko (to the point na naluha-luha na naman ako) ang mga emosyonal na aspeto ng mga pelikula. Oo, medyo "nahirapan" akong panoorin ang mga huling bahagi ng Episode 3 dahil may binuhay na alaala at pangamba ang mga pangyayari dun... pero ayokong mag-dwell sa mga iyon. Sa halip, babaunin ko na lang ang mga "aral" na iniiwan ng anim na pelikula tungkol sa pagkakaibigan, pagtitiwala, pagmamahal at pag-asa. O diba! Bangag na nga siguro ako. Yebah!

at dahil bangag na rin lang ako... allow me to gloat:

Your Vocabulary Score: A+

Congratulations on your multifarious vocabulary!
You must be quite an erudite person.
How's Your Vocabulary?
Previous post Next post
Up