Titulo: LQ
May Akda:
macymacymacyPares: ryuunon, yamashi, umichii
Rating: Pambata
Genre: kalokohan na may konting kilig, at kakornihan
AN:
-dahil matagal na kong hindi gumagawa ng filipino fic. ^^
-random
#1 : RyuuNon
"Ano bang gusto mong mangyare?" Pasigaw na sinabi ni Kanon. Iritang irita na talaga siya kay Ryuu. Ang kulit kulit, hindi niya maintindihan kung ano ba talagang iniisip niya.
"Eh sino ba kasi yang mga yan?! Ano, mga kasama mo sa bago mong drama? Mga lalake pa yan?" Pagalit na sinabi ni Ryuu.
"Sira ulo ka ba? Nanonood ka ba talaga ng drama ko? Kasi kung oo, mapapansin mo naman siguro na isa lang ang lalakeng cast, si Sakurada Dori… except kung isasama mo yuung teacher. Ano ka ba, Ryuu?! Ni hindi nga major yung role ko dun eh!" Sabi naman ni Kanon.
"Ano ba talagang gusto mo?" Tanong niya. "Kapag burado lahat ng messages ko, nagagalit ka kasi sabi mo may tinatago ako. Pero kapag wala akong binura sa inbox ko, nagagalit ka pa rin kasi madami akong katext. Eh anong gagawin ko? Ang labo mo!"
Sumimangot si Ryuu at tumingin sa lapag.
Nagbitiw ng malalim na hininga si Kanon. "Bakit ka ba kasi ganyan? Nagkaron lang ako ng drama naging ewan ko, napraning ka na ata..." Sabi ni Kanon, pahina ng pahina ang boses.
Tumingin sa kanya si Ryuu at napansin na medyo nakakurba pataas ang mga labi ni Kanon.
Bigla siyang napangiti.
"Ano namang nakakatawa?" Tanong ni Kanon.
Lalo namang nagtaka si Kanon na tinaasan siya ng kilay ni Ryuu. "Reklamo ka ng reklamo pero kinikilig ka naman." Sinabi ni Ryuu.
"Bipolar ka ba?" Sabi naman ni Kanon sa kanya. Pero malinaw pa sa sikat ng araw na pinipigilan niyang ngumiti. "Kanina galit na galit ka, tapos biglang patampo-effect, ngayon natatawa ka?"
"Oi!" Reklamo ni Kanon ng inirapan siya ni Ryuu.
"Hindi ko na maalala kung anong pinag-aawayan natin." Sabi ni Ryuu.
"Isip-bata ka kasi." Sabi ni Kanon, pero nakangiti siya. "Ewan ko ba sa'yo."
"Kitam kinikilig ka." Sabi ni Ryuu ng nakasimangot.
"Oo na, kinikilig na!" Sabi naman ni Kanon ng natatawa.
Tumawa rin si Ryuu.
"Bipolar ka talaga!" Sabi ni Kanon.
"Ang ingay mo!" Sabi ni Ryuu.
Nagulat siya ng kinurot siya ni Kanon sa magkabilang pisngi.
"Aray!"
"Nakakabaliw yang mood-swings mo ah!" Sabi ni Kanon habang pinipisil pa rin ang pisngi ni Ryuu.
At, yan nanamang muli, kanina lang nakasimangot, ngayon nakangiti nanaman. Bago pa makapag-isip si Kanon kung bakit, bigla siyang hinalikan ni Ryuu.
Kaya pala.
-
#2: YamaShi
"Akala mo lang wala, pero meron! Meron!" Sigaw ni Mirai sabay sampal kay Yamada.
Napatigil si Yamada, at dahang dahan itinaas ang kamay sa kanyang mukha. Di niya akalaing maluluha siya. In fairness, mahapdi.
Bigla naman siyang niyakap ni Mirai.
"Sorry Ryosuke!" Sabi nito. "Sorry talaga! Nadala ako! Masakit? Sorry!"
"Okay lang ako." Sabi ni Ryosuke kahit na sige pa rin ang tulo ng luha niya.
"Sorry talaga!" Sabi naman ni Mirai. Mukhang alalang-alala ito sa kanya.
"Siguro okay na yun na practice. Mukhang kuha ko na rin naman yung script…" Sabi ni Mirai.
"Hindi, okay lang talaga ako. Pero siguro magpahinga muna tayo. Maya-maya pwede na uli tayo magpraktis." Sabi ni Yamada.
"Pero pangalawang beses na kita nasampal…" Sabi naman ni Mirai.
"Okay lang!" Sabi ni Yamada. "May kapalit namang yakap eh."
Natawa naman dun si Mirai. "Thank you ha." Sabi nito.
"Wala yun." Sabi ni Yamada. 'Maging cactus ka man, handa akong masaktan, mayakap ka lang.' Naisip niya. Pero kahit kaylan di niya yun sasabihin kay Mirai, siguradong pagtatawanan lang siya nito.
-
#3: UmiChii na may onting OhgoJima
"Oi, Chii…" Sabi ni Yuto. Nakasimangot siya sa kanyang kaibigan, nag-aalala.
"Ano bang nangyari?" Tanong ni Suzuka.
"Si Umika, nangyari…" Sabi ni Chii.
Nagtinginan si Suzuka at Yuto. Hindi nila alam kung ano nanamang nangyari.
"Naiintindihan ko naman eh." Sabi ni Chii. Mukhang napakalungkot niya. "Iniwan niya ako para matuto ako maghabol…"
Muling nagtinginan si Yuto at Suzuka. Ano nga bang nangyari??
"Nawawla siya para matuto ako maghanap…" Sabi pa ni Chii. "Lumayo siya para matuto ako lumapit…"
"Pero Chii, matagal na yun di ba? Okay na kayo ni Umika ngayon, right?" Tanong ni Yuto.
Umiling si Chii.
"Ngayon nagmahal siya ng iba. Ano gusto niyang matutunan ko? PUMATAY NG TAO? Pinagpapalit na ba niya ko?!"
Tinitigan siya ni Yuto at Suzuka, medyo shocked.
"Er, Chii… tungkol ba to kay Nishikido-kun?" Sabi ni Yuto. Nang mga nakaraang araw, laging nagkukwento si Umika tungkol sa naturang idol. Mukhang nagiging close na sila dahil sa drama nila.
"Natanggap ko nung nagfafangirl siya kay Ohno-kun pero… bakit siya?!" Sabi ni Chii. Medyo OA lang...
"Ano ba yan Chii, wag ka nga madrama. Hindi porket fan, 'mahal' na." Sabi ni Suzuka, ng umiiling ang ulo ngunit natatawa. "Kala ko naman kung anong nangyari."
"Ayoko pa rin!!" Sabi ni Chii. "Bakit ganon siya mag-salita tungkol sa kanya?? Bakit?? Tapos kinukumpara pa niya ko sa kanya, kesyo medyo parehas daw ang ugali namin. Bakit????"
Nagtinginan muli ang OhgoJima, medyo sumasakit na ang ulo nila sa kaibigan nila.