Just Another Birthday Part 2

Nov 03, 2014 23:01

Di ko na sana gagawan pero since nasabi ko sa previous entry ko na gagawa ako pag may nangyaring maganda o nakakatuwa. Actually marami din namang nakakatuwang nangyari, magmula sa pagpunta sa field kanina, hanggang sa mismong field work kung saan nagpakastressed kami sa mga tinuruang bata.

Pero mas natabunan yung positive vibes ng bad vibes. Konting bagay lang na nasabi ng mga taong nasa paligid ko, lately sobra-sobra na akong naaapektuhan ng ganun na lang. Maybe because most of those words came from those people na mas inaasahan kong susuporta at uunawa sa akin. maybe I was easily hurt because they really matters to me. Hindi ko mapigilan yung pagkairita at pagkaasar ko, sumasabay yung luha ko.

Gusto kong itulog pero hindi ko maitulog. Gusto kong ikain na lang din, kaso wala akong gana. Timing ba naman kasi, sa mismong birthday ko pa. Pagod pa man din ako, sobra, at drained mula sa field work. Gusto ko tuloy mag sumbong niyan.

"..lagi ka naman nababadtrip ata ay" komento nung isang sumbungan ko.

"sabagay", tinitipid ko na lang din ang sagot ko since hindi ko yun maeexplain ng maayos thru pm

"sinong bagay?" ayun na naman ang mapamilosopo niyang joke. Gawain niya ito e.

"sbgay kako, adik to"

"Sbgay? Since birth gay na. Haha"

Pauso talaga ito. Pero ewan ko lang kung nahalata niyang problemado ako kaya niya itinawag na lang din. Di ko napansin nung una kaya naka ilang missed call din siya. Saktong pm niya ng "last call". Buti na lang nasagot ko na yung last call na yun.

Ayun. Nagparamdam lang din daw siya. Lalabas lang din sila ng mga kasama niya doon. Maya maya tinatawagan na rin siya ng mga ito. Ba't pa nito itinawag kung may lakad pala sila? seryosong napaisip ako talaga that time.

"Saan kayo pupunta niyan?"

"Sa Pinas." Biro niya. Ayun at talagang napatawa na ako. Parang timang lang ako noh. Kanina halos mugto ang mata ko, pero ngayon tumatawa na naman ako. Ang galing din kasi. Yun yung isa sa talent niya eh. Pag ganung problemado ako sa ibang bagay, at gusto kong magsumbong sa kanya, kahit hindi ko actually naikukwento o nailalabas sa kanya, minsan napapagaan niya ung loob ko. Kahit na di ko na kailangang iexplain kung ano na namang inaalala ko, basta nawawala na lang pag kausap ko na siya. Ok na ako.. Kahit minsan nga panay ang corny jokes niya, o yung pamilosopong comment.. Ang weird lang noh?

Kaya yun. Masakit pa din ung mata ko. Mugto pa din e. Pero nakalimutan ko ulit yung sakit. Yung lungkot na lang siguro yung andudun pa din. Pero ok na ako. Birthday ko nga naman, dapat masaya pa din.

others

Previous post Next post
Up