Just Another Birthday

Nov 03, 2014 22:57

I remembered making an entry last year for this not-so-big-and-special-but-it-had-been-quite day. Sabi ko nga, I really don't celebrate much for my birthday since yun na yung nakasanayan ko na din. But last year, it had been a special day, hindi dahil birthday ko, kundi dahil sa nakasama ko. Unfortunately, I'll be spending this year and maybe for the next years na hindi ko siya kasama.

Though, it's not really that sad. Andyan pa rin naman yung mga ibang taong sobrang importante sa buhay ko. "Kami kaya yung andidito tapos yung isang nasa malayo pa rin yung hinahanap mo.. tch tch", I those words from Val. Nang aasar lang siya, at the same time nangangantsyaw but nakuha ko yung thought sa sinabi niya. Not that I'm only having my full attention doon sa taong malayo na tinutukoy nila, but syempre di nila maaalis yung katotohanang namimiss ko siya. At iba pa rin yung feeling at saya pag andidito siya. BUt it doesn't mean, hindi na ako masaya ngayon.

Nag uumapaw ang happiness ko kaya. Kasi hanggang ngayon nakakasama at nakakatawanan, asaran, kulitan, iyakan, tampuhan, bangayan, awayan.. ko sila. Matampuhin sila at times :D

Last year, feeling ko first hour of this day, nakikipagkwentuhan pa din ako sa kanya. And since it's Sunday, nagawan ko ng paraan para masamahan niya akong magsimba. Like what I had stated sa entry ko last year. Ano ito re-echo ulit nun? Haha. And this year, buti na lang at may facebook. Patuloy pa din ang communication.

And like last year na komplikado man yung mga circumstances na nangyari around those days, sa pagkakatanda ko andaming kong highlighted moments those times, hindi actually dun ung simula pero may mga ilang events na nagtrigger ng mga mas kompikadong bagay.. But not that I'm saying na pinagsisisihan ko yung mga nangyaring yun noon.

Kung babalik ako exactly a year before this time, yun at yun pa din ang gagawin ko. Hahayaan ko pa din na mas mainlove ako sa kanya. Ieenjoy ko pa din ung company niya. Mas mag oopen up lang ako siguro sa kanya, ang dami ko kasing mga bagay na di ko agad agad nasabi at nalinaw that time. Kaya nag sanga sanga dun yung mga di maiiwasang complications. Pero ganun talaga. At least narerealize ko naman pag kwan.

Two hours pa lang ang nakalipas since nadagdagan ng isa ung edad ko. Wala pa akong masyadong maidadagdag na entry dito. Gawan ko ng part two pag may nakakatuwang mangyari mamaya :) Hoping na sana mas madaming magandang bagay na sasalubong sa akin mamaya. Nagsimula na yung mga magagandang bagay eh, sana tuloy tuloy pa din.

Kahit na nakafield ako mamaya. Haha buti na lang powerful.

others

Previous post Next post
Up