Oct 30, 2007 17:59
Sa wakas at nakuha ko na ang grades ko nung first sem. Nakahinga ako ng napakaluwag dahil napakalaking letter P ang nakalagay sa P.E. ko, ibig sabihin ako ay PASSED. Bwehehehe. Napakasaya din dahil di bumaba sa 2.5 ang grades ko at napakaproud kong inilalagay dito na 1.60 ang grade ko sa Accounting~! Maraming salamat kay Mark Poa para sa libreng pagtuturo. Ahahaha. Ngayon naman ay kinakaharap ko ang panibagong hamon ng Accounting at totoo namang napaka salimuot lalo na kung ang propesor ay di mahilig magpaliwanag bago magbigay ng takdang aralin. Kaya maraming salamat ulit kay Mark Poa dahil matiyagang sumasagot sa aking madaming tanong... napakadaming tanong at madaming susunod pa... Hanggat di ako nakakakapasa. Napakakapal ng mukha ko pero sige kakapalan ko na talaga, kesa mag ulit ako at magsayang ng pera dahil six units din ito. Hayz.
Nga pala, wala akong cellphone at wala pa kaming internet sa bahay. Ako ay mistulang isang ermitanyo. Ang schedule ko pa sa school ay pamatay ng social life. Di ko na sasabihin kasi sasabihan nyo akong tanga dahil ako ang pumili ng oras na iyon. Anyway, see you after six months~!