Sep 24, 2007 22:51
Sa di inaasahang pagkakataon, mukhang kailangan ko nang ibaon ang mga alaala ng pagiging tagapagtanggol ng pag-ibig at katarungan. Simula bukas titira na sa amin ang tito ko at yung gamit ko na nakalagay dun sa titirahan nya ay inilipat na sa bahay nina mama. Bahay nina mama. Wala akong permanenteng tirahan. Bwahahaha. Long story, wag na ikwento. Anong konek ng dalawa. Kasama kasi sa mga gamit na inilipat sa bahay nina mama ay yung costume ko ng Sailor Moon at yung costume ng Tuxedo Mask. Masakit man gawin, kailangan ko ng idispose ang mga costume na nabanggit dahil di ko na naman sila gagamitin at walang pwedeng ibang gumamit (unique kasi body type ko ahahaha~) isa pa dami na rin gamit sa bahay nina mama at ayaw ko na dagdagan pa. Di naman lahat ididispose ko, may mga bagay na iiwan ko at itatago. Tulad ng wig ko (syempre naman pinaghirapan yun ayusin), yung earrings, tiara at brooch (dahil pinaghirapan sila gawin at pwede ko isuot sa bahay) at higit sa lahat... yung cape ni Tuxedo Mask. Buti na lang at wala si Mokona sa bahay at alam kong namahinga na sya. Ahahaha~ Masaya na ako na kahit konti may maiiwan sa mga gamit di katulad nung kay Mokona... yung number nya ng ToyCon na lang yung naiwan sa akin T_T. Ala ako ebidensya na ako yun, na akin yun.
Sad.