Back

Sep 04, 2007 11:28

Wala ako sa Metro Manila ng Weekend dahil sa Subic tour namin. Masaya at nag enjoy ako ng husto (not to mention kinilig ako ng husto~ ahahahay~) kaka-kuha ng pictures sa mga suites na pinuntahan namin. Mejo nakakabitin dahil overnight lang kami sa hotel at gusto ko pa magbabad sa kamaaaaaaaaa~ Naging official photographer ako ng class namin at syempre pa iyon ang perfect oppurtunity para maka-score ng picture sa mga crushesness ko. Di naman ako nabigo dahil very cooperative sila. Sa katunayan di sinasadyang magkaroon ako ng 2 picture kasama nung isang crush ko (dahil group picture yung kasama ko si Sir Jay T_T). Ipo-post ko dito ang mga pictures pag sinipag ako at pag naisend na sa akin yung files. Ita-try ko din ikuwento lahat ng nangyari sa amin nung tour at sa mga picture nyo na rin malalaman kung bakit solid Shan Cai na ang tawag sa akin (T_T leche talaga~ di ko naman type si Dao Ming Xu, gusto ko si Semen este... anu nga pangalan ni Vaness Wu dun? Xi Men ba? X Men? Ahahahaha~). Anyway, got to go na dahil papasok pa ako at makikikulit sa mga classmates ko. Ciao~

school, tour

Previous post Next post
Up