Scorpions

Aug 28, 2007 23:54

Midterms na. Sana naman tumaas ng onti ang scores ko sa tests.

Kanina may unexpected na nangyari habang hinihintay ko si Jay-ann (friend ko pero di ko classmate). Nakita ako ni MJ at inokray dahil naka-uniform na ako (ngaun ko lang isinuot ang uniform namin, ang saya noh? huwarang estudyante). Maya-maya, dumating si "Kuya" yung classmate namin sa Accounting na nagtatrabaho sa BPI at laging perfect sa test. Itong si MJ inutusan akong kausapin si Kuya, at dahil crush nya pinagbigyan ko na rin tutal naman eh exam nya ngaun para magkaroon sya ng inspirasyon. Di ko inaakalang masaya pala kausap si Kuya at napapatawa namin sya ni MJ. Dahil maaga pa naman at wala syang ka-kwentuhan pinagtiyagaan na rin nya ang company namin. Naitanong ko na (dahil ayaw itanong ni MJ) ang lahat ng dapat itanong pwera na lang sa cellphone number nya (at dahil dun galit si MJ sa akin) at kung may BF na sya... este GF pala. Nakaaaliw dahil same age kami 24 (na matagal ko ng alam) tapos pareho din pala kami ng month. November. Tinanong ko kung anong exact date, ayaw sabihin. Kung di ko pa sinabi na November 1 ako di pa magsasabi ang kolokoy. So kami ay same age, same month at same year. Leche matanda pa ako ng 2 days >.< Pero Kuya pa rin ang tawag ko sa kanya XP. Bago pala nya sabihin yung birthday nya pinahulaan muna ni MJ kung ilang taon na ako at kung anong age nya (MJ). 21 or 22 lang daw ako! Ahahahaha! Tapos si MJ 24 daw or 27! Ahahaha! Bukas may ibinigay na Assignment sa akin si MJ, chikahin ko daw ulit tapos hingin ko na yung number. Ewan ko lang kung makakilos pa ako nun, pag nasa malapit yung si crushness ko na naman na kabarkada ni Kuya di ko na itatanong number nya.

Tungkol naman kay crushness. Ay naku... 18 yrs old lang kakaasar. Pero ok lang, kinakausap naman nya ako. Ahahahaha~ At least sya yung nag iinitiate na kausapin ako, not the other way around. Mejo close na kami kasi nakakapagbiruan na kami at nagkakasabay kami sa pagpunta dun sa isa pa naming subject.Ahhh~ Pero bata pa rin ~_~ Si crushness na prof naman eh certified na jading. Kahapon binasa ko yung lahat ng testimonials sa kanya sa friendster. Di nakakatuwa! Well, may nakakaamuse. Meron dun classmate nya sa Nursing nainlove sa kanya. Ahahaha~ mukhang nilayuan ni badingerzi! Mega emote kasi yung girl na nami-miss daw nya yung dating closeness nila (mejo nakakarelate akoh! ahahaha~!). Tapos meron dun testi sa kanya nung isang gym instructor na kaibigan nya. Mejo napa-"ewwwww" ang utak ko dun kasi naalala ko yung pinanood na lalaking malalaki ang katawan... ehhh... nevermind!

Matagal-tagal din akong di nakapag-update kaya mejo mahaba. Mukhang matatagalan ulit bago ako makapagpost. Hibernate ulit. Semi-lurker. Ahahaha~!
Previous post Next post
Up