JAPAAAAAAAAAAAAAN Part 2

Oct 01, 2011 16:04

Ok simula ng bagong entry. Ito tungkol naman doon sa ginawa namin ni Ayaka nung isang Sunday. Nakalimutan ko na kung kailan pero magiimbento nalang ako ng date.
Pumunta kami ng Tenjin for the 2nd time. This time, sabi ni Ayaka, magmeet na langkami sa harap ng post office. I checked the bus schedule that morning tapos sabi ung tatamang bus schedule ay darating 30 minutes earlier than the specified time we were supposed to meet. So dahil takot ako ma-late, dahil Japan ito at hindi Filipino Time, kinuha ko na yoong bus na yoon. Kesa ung susunod na bus na darating 15 minutes later than the time specified.
Soooooo. First time ko sumakay ng bus mag-isa. Grabe thrilling. For one, I didnt know any of the kanji para doon sa destinations nung bus. So i whisked out my itouch, clicked Kotoba!, and searched for the word TenJin. Fortunately, na locate ko naman ung kahawig nung kanji na nasa itouch ko ung isa sa mga kanji doon sa bus stop map. Maglalagay ako ng litrato mamaya para maipakita ko kung gaano kalaking achievement ang ma-locate ang kanji na yoon amidst 300 kanji destinations.
Anyhoo, so sumakay na ako nung bus. Grabe ampupu 360 yen or mga 200 php ang one way ticket to Tenjin. Grabe din ang honesty system doon sa bus. Ieexplain ko next time pero wag ngayon. Wala pa kasi ako doon sa main point na gusto ko iparating sa entry na ito.
So fast forward tayo. Nag-antay ako sa harap nung post office for 30 minutes. Yun pala, andun si Ayaka doon sa mismong harap ng post office. Eh doon ako sa street across nagaantay. Howell. At least nagkita kami.
After nun, pumunta kami sa may parke kung saan merong performance. Sabi ni Ayaka, ung performances daw na yoon ay hindi meant for human eyes kundi para sa mga Gods. May pictures din pero next time na.
Pagkatapos, doon sa parke, parang merong mini fair na nags-showcase ng mga kung ano anong local food and produce. So nagtaste test kami. Napansin ko mahilig sa taste test ang mga Hapon. Hahah.
Taste test ng strawberry, ng croquet, ng wine, at kung ano ano pa. In the end, bumili kami ng rice and potato and tomato croqquet and then naghanap na ng lugar na maari naming maupuan. Ang free na upuan ay doon sa isang may umbrella na table na may nakaupo nang dalawang matandang Haponesa at isang matandang mama. Apparently, hindi rin sila magkakakilala. Perod ahil friendly lang talaga ang mga tao dito sa Fukuoka, nagusap usap na kami,.
Of course, the standard introduction questions. Name, location, from where, why am I here.
Answered everything and they all found it interesting. Said somethign about knowing another Filipino and how awesome and nice we all were. Pero the point is, may tinanong siya na nagulat ako.
Sabi niya, ano ang pangarap ko, ano ang dream ko sa buhay, ano ang gusto ko gawin pagkatapos ko mag-aral.
Of course, dahil mukha akong pera, I said that I wanted to live in Japan and to make my own Zaibatsu. Ang Zaibatsu ay isang conglomerate of really big companies. Kumbaga parang SM or Robinson's. Mga ganoong level ng kayamanan at kalakihan ng operations at sakop na industries.
Nung sinabi ko un, both the old ladies laughed at my face.
Sabi nila, just marry a man who owns a Zaibatsu.

Sobrang wtf. Anong klaseng thinking yoon. I mean siguro dahil hindi nila ako kilala feel nila grabe ako mangarap na bata pero feel ko kasi talaga kaya ko. Altho feeling ko mejo makapal lang talaga ang fes ko. Hahhaa. Pero grabe talaga normally ang sasabihin ng mga Pinoy is grabe go go go kaya mo yan. But no. Here, that's what they say. Hindi ko alam kung paano magreact so nakilaro na lang ako sa kanila. Sabi ko nalang, I think finding a man who owns a Zaibatsu that will be willing to marry me will be harder than just setting up my own Zaibatsu.
So sige tawa na lang.

Pero sobrang disturbed parin ako doon.

Ok mahaba haba na ito next!!!!!!!!!!!
Previous post
Up