Sep 27, 2011 07:22
First night in my dorm room with Fretchie. I still can't believe that I'm back here and now for a longer stay. Last time I was here, I only had one week with a host family. Right now, my mind still deceives me and tries to make me think that I'll only be staying here for one week.
The flight was okay but the NAIA personnel were corrupt as usual. Grabe, our luggage was only about like 8 pounds overweight then he asked us to give him money so we could check them in. Andami ko gusto pa sabihin tungkol dito pero kailangan ko to isubmit sa guro ko.
Kaya sa ngayon magtatagalog muna ako.
Pagkatapos naman nung encounter na yoon, naging smooth ang landing at pagdating namin sa Korea at makalipas ang mga ilang oras, sa Fukuoka. Pagdating namin sa Japan, hindi gaanong maaraw at masasabi pa ngang downcast ang skies. Tapos, nag CR muna kami. Shempre, Japanese Technology kaagad ang humarap sa amin. Napakarami kong litrato na gustong ilagay dito ngunit, sabi ko nga, sa susunod na iyon. Kailangan lang talaga may laman ang blog na ito.
Pagdating namin sa may airport, kinailangan kasi namin magantay ng isang oras para makasakay kami sa Kyushu Daigaku na shuttle bus papuntang International Housing. Kami lang ni Fretchie at isa pang babae na Chinese ang nakita namin na hindi Caucassian na nag-aantay. Dahil unang araw pa lang namin, talagang kinabahan at hindi ako komportable makipag-usap doon sa ibang mga tao. Napansin namin na para bang dahil sila ay puti, mas magkakausap na sila. Grabe wala pang 30 minutes, parang best friends na yoong mga tao. Samantalang kami ni Fretchie ay nag=aantay mag-isa (or should I say both of us( doon sa may tagiliran. Nakakatakot pala makipagkilala sa bagong uri ng mga tao. Natakot ako na pangit English ko. Natakot ako na may bobo akong sasabihin. Natakot ako na magmumukha akong weirdo. Lalong nag increase ung takot ko nung naalala ko ung mga teenage high school movies na pinapakita at pinapalabas sa sinehan. Kung saan may mga clique ang mga jockey,s mga cheerleaders, mga asians, at mga nerds, o ung talagang mukhang tanga lang talaga. Natakot ako ma-include doon sa nmga yoon. Kahit saan doon. Nag-wish ako na sana, kapag nagsimula na ang mga klase, magiging close na kaming lahat.
Pero sa ngayon, kami na lang munang dalawa ni Fretchie.
Sumakay na kami sa Shuttle Bus na walang aircon. Dahil kakaiba magdrive ang mga taga-Japan, unang lumapit ako sa right hand side ineexpect na naandoon ang pintuan. Natawa ako kasi natandaan ko na right hand driving nga pala dito. Eentually, nakita ko yung pintuan ng bus. Nasa likod ko si Kelly. Grabe napakalakas ng London Accent niya. Nakakatuwa siya kausap pero shempre takots parinz akozx. Small talk small talk.
Para sa akin pointless ang small talk. Pero next time na yoon.
Then dumating na kami ng Kaikan (o ung iInternational House).
Ok tama na muna ito ipagpaptuloy ko na lang ulit. Doon na muna sa kabilang entry para marami ung Entry. Wooooo. Babush muna!