sa unang araw ng enlistment

Nov 04, 2009 07:47

ilang puntos sa pagsisimula ko ng araw, bago ko mahiga.

- wala pa 'kong tulog.

- umuulan. at malamig. kadalasan, hindi ito ang pinakamainam na panahon para magsipag para sa pag-aaral. hanggang biyernes naman ang enlistment.

- kakabasa ko lang ng kolum ni pat evangelista tungkol kay chiz escudero at noynoy aquino. na-bobo ko sa oversimplification n'ya ng hakbang ni escudero na umalis sa NPC at kung pa'no n'ya ikinakawing ang pag-asa ng bansa sa umano'y "legacy" na nakakabit kay aquino. gusto kong gumawa ng sagot sa mga puntong ni-raise n'ya, pero ayoko namang maging pulitikal talaga ang blog na 'to.

- at tinatamad ako. sa ibang blog na lang.

- sayang, mag-kaibigan pa naman kami sa Facebook. hehe.

- kausap ko rin si steff sa ym, na "fan" ni pat evangelista.

- hindi (nga) ako mag-eenlist ngayong araw. sayang ang lamig ng umaga, antok, at nakaambang pagtuloy-tuloy ng ulan.

- sa mga pipila para mag-enlist, harinawa makuha n'yo mga kailangan at gusto n'yong subjects.

maraming salamat.

Previous post Next post
Up