Nov 02, 2009 03:18
ni hindi ko makuhang kantahin ang sembreak ng eheads ngayong, sembreak. ayokong ituring na sembreak 'to, wala namang saysay kung gawin ko man. ni hindi ko nakuhang magpahinga, o huminga para sa ikagagaan ng mundo/pag-iisip ko. sa 'sang linggong 'to, meron pa kong isa o dalawang araw para mag-muni at magpuna sa sarili bago simulan ang pangalawang semestre ng taon.
"naaalala kita 'pag umuulan, naaalala kita 'pag giniginaw."
teka, kahit mainit at makulimlim ang panahon, naiisip ka. hindi pasok ang Sembreak ng Heads.
mag-paplano ba ko sa natitirang mga araw? huwag na siguro. ngayong sembreak, mantra ko na lang ang tinuran ni YANI:
"sa ispontanyong pagkilos, masusubok ang kagalingan mo."
hindi ganyan ang eksaktong pagkakasabi nya, pero 'yan ang esensya. ngayon, kung meron lang pwedeng pagbalingan para sa 'sang "spontaneous" na gawain maliban sa paggitara't pagsulat ng tula't kanta.
sembreak