A Little Something-something

Mar 01, 2009 13:58

This was written on a notebook---by me, of course.
DATED: January 25, 2008 (already a year and a month and some days ago)

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sabado, January 25, 2008

Heto ako, nagsusulat. Madaming gagawin pero nakakatamad gawin. Kaya't nakita ko na lamang ang aking sarili na kinuha ang notebook na ito, tinanggal ang nakaipit na certificates at nagsulat. Nagsusulat ng mga bagay na maisip. Ang anumang maisip ay isinusulat.

Hindi sa akin ang notebook na ito, kay David--kaklase ko. Isang lalaking makulit, mayabang, magaling sa Math--sa Math lang. May GF siya, kaklase ko rin, si Samantha. Mula nang maging sila ay napakalaki ng ipinagbago ni David. Sandali lang, biglang may nakapukaw ng aking atensyon, "Bosing, nilagay ko ang asawa ko sa lob ng ref!" Bakit?...HAHAHA, aking aking reaksyon. So balik ulit tayo dito, well, mayabang pa rin si David. Ayaw na ayaw ko ngang nagtatanong dun ng sagot sa Math kasi ang sasabihin niyan, "'Yan lang, ang dali-dali lang niyan e." ....AWTZ!

Ngayon, naisip ko magsulat, wala lang. Gusto ko lang may mangyari sa mga sulat ko, pangit man, masarap e. Masarap magsulat, wala itong partikular na lasa, pero nakapagbibigay ng SATISFACTION na lubus-lubusan para sa akin. Dito mangyayari ang lahat, kaya kong maging kung sino man na gustuhin ko. Mapupuntahan ko lahat ng gusto kong puntahan. Dito, ako ang DIYOS. At walang makapipigil noon. AY! MALI! Meron pala. Syempre matatapos 'to pag naubos ang tinta ng bolpen o naubos ang pahina ng NB na ito, pero ang mga ideya...hindi yun mauubos. Sa pagsusulat, lahat ng tao'y makikita kung sino ka, yun ay kung gusto mong ipabasa sa kanila ang gawa mo. Ako, naisipan ko lang. Bakit hindi? May bolpeng nagkalat at may NB na walang sulat. Iyon lang naman ang kailangan e. Dahil kusa na lamang kumikilos ang mga kamay. Gumagalaw at inilalabas lahat ng lihim, hindi marunong mapagod kung puno ka ng ideya. Itong ginagawa ko, tuloy-tuloy, naisipan ko lang.

Lalaru-laruin muna ang bolpen, ano kaya ang magandang isulat? Bakit kailangang mag-isip? Gayong pwedeng magsulat nang hindi nag-iisip. Pwede ba yun? Siguro nga, para ka lamang nagsasalita, yun nga lang detalyado, na-re-rekord mo lahat ng sinasabi mo.

Tama! Ganun na nga. Simple lang ang magsulat. Kaya mo rin dahil madali lang, magbilang ka, magkukusa rin ang kamay mo.

At ayan, sa halos limang minuto ay napuno ko na ang dalawang pahina ng NB ni David. Nahulog ang bolpen, pinulot ko dahil dapat magpatuloy, iyon ang gusto ng kamay ko. Titigil, mag-iisip, susulat muli. Nakaupo, naghihintay, babaling sa TV at babalik muli sa pahinang ito. Ang hirap nang pasmado, ayun nabitawan ko ulit ang bolpen. Nagpunas sa short na suot ko pa mula kahapon, 'di pa ako naliligo. Wala lang, naisipan ko lang. Medyo sumasakit na rin ang kamay ko, hindi ko rin alam kung tatapusin ko na ba ito. Kaso, masarap magsulat kaya nga nakikita ko ang sarili ko--kahit walang salamin--na nagsusulat. Pinupuno ang pahina ng NB ni David.

Ayos ng upo, patapik-tapik sa hita, pagalaw-galaw ng mga paa, habang ang kamay ay patuloy na nagsusulat. nagsusulat ng mga bagay na maging ako'y hindi alam kung may katuturan. Kung meron man, e di maganda, kung wala ay ayos lang. Ganito talaga ang pagsusulat e, kahit sino pa man ang nagsulat. Sige, baka maligo muna ako, o kung anupaman, babasahin ko muna ang aking naisulat sa dalawang pahina ng NB ni David.

At huwag kalimutang lagyan ng pananda ang pagtatapos ng bawat pangungusap.

-------------------------------------------------------------END---------------------------------------------------------------

EDITED:

While reading it for the first time after posting. Man, I noticed a LOT of typos---and I mean a LOT!
And that is mainly because of the UAAP MVT FINALS

ME: I blame you UAAP MVT FINALS!
UAAP MVT FINALS: Yeah, I know you love me baby!

BAD NEWS: UP LOST!

*sobs*

GOOD NEWS: No WEIGHT TRAINING class on WEDNESDAY! WEEEE!

ME: Thank you UAAP MVT FINALS!
UAAP MVT FINALS: You better watch me!
ME: Yeah, I'll watch you--on TV!

*evil laughs*

So, UP FIGHTING MAROONS will be facing UST GROWLING TIGERS for the 2nd game of the UAAP VOLLEYBALL FINALS on Wednesday. Thus, Sir Ivan will not be attending our class. Thus, I don't have to attend the class! HAHAHAHA!

Anyways best of luck to UP! I HEART BELGADO'S FINGER WAGGLING! *giggles*

writing, waiting, something, trip

Previous post Next post
Up